CHAPTER 1

144 8 0
                                    

(Wrosprodite Irriasty Axialmesa Lazdiamess 👆)

CHAPTER 1




=WIAL=

HABANG PAPASOK ako sa Fleare Academy, pinagtitinginan ako ng mga studyante. It's not like first time nila akong nakita dito since this is my last year in highschool and 8 months from now graduation na.

Hindi naman ako katulad ng ibang nerd na libro ang laging dala o hawak, dahil iba ako sa kanila. May bracelet ako na hindi matanggal-tanggal, sabi ni mommy since ipinanganak ako nasa akin na'to. Marami ring nam-bubully sa'kin pero ngayong dala ko ang Arnis ko hindi sila makalapit sa'kin, alam naman kasi nila na magaling ako sa paghawak ng Arnis.

I'm not really a nerd disguise lang dahil sinabihan ako ni mommy na mag-disguise ako as a nerd dahil baka daw mapahamak ako sa oras na hindi ako nag-disguise.

Maraming nagsasabi sa mga nakakakilala sa'kin na isinumpa daw ako dahil maraming nahuhumaling na lalaki sa kagandahang taglay ko. Sabi ni mommy imposible daw na makahanap ako ng lalaking mapapangasawa ko. Yung lalaking mamahalin ako sa kung sino ako at hindi dahil sa kagandahan ko.

Natural lahat saakin maski ang buhok ko na black na may highlight na puti sa dulo, at ang kulay abo kong mata. Pero ngayon? Pure black hair na wig na hanggang bewang, black contact lense with a big nerdy glasses, with a fake big mole on the side of my nose.. yan ako pag nasa labas ng kwarto o bahay namin. Though hindi ako pinapayagan ni momm-ing lumabas ng bahay ng walang disguise. Si daddy? Nasa ibang bansa, isang beses sa isang taon lang sya napapadalawa dito sa'min dahil may isa pa syang pamilya doon sa ibang bansa, sa Europe. Pero kahit na meron syang ibang pamilya ako lang naman ang nabiyayaan sa aming lahat na magkakapatid ng ganito, na ipinagtataka ko.

I don't know pero I called this beauty 'MEDUSA CURSE'. Gustuhin ko mang mawala 'yon pero hindi ko alam kung paano.. at dahil rin sa sumpang ito kaya hindi ako magkaroon ng kaibigan kahit naka-disguise na ako.

Napabuntong hininga ako at hinawakan ng mahigpit ang arnis na hawak ko. Dahil rin sa pag-didisguise ko kaya maraming nambubully sa'kin.

Pero alam kong hindi habang buhay na maitatago ko ang sarili ko.. malay mo dumating yung Prince charming ko at mawala yung sumpa.. O baka magsawa ako sa paghihintay at hayaang mahumaling ang iba sa'kin.

Pumasok ako sa room at binalewala ang mga mapanuksong titig ng mga kaklase ko. Hindi ko ito pinansin at umupo nalang sa upuan ko, walang gustong tumabi sa'kin dahil pangit daw ako at mabaho. Tss! Ipaamoy ko pa sa kanila kilikili ko eh.

Napatingin ako sa paligid ng mapansin ko na nagpipigil ng tawa ang mga kaklase ko. What's with them?

Akmang tatayo na ako sa upuan ng matigilan ako.. WHAT THE—! Ramdam ko ang lagkit ng inuupuan ko kaya mabilis akong napatayo at tinignan ito.

"Pfft- HAHAHAHAHA!!"-tawanan ng mga kaklase ko.

"Look oh! She poop on her seat!"-tawa ni Mynnazyn (Maynasin) Llanrian na sinabayan naman ng mga kaklase ko.

Napabuntong hininga ako at lumabas ng room. Sa tuwing may dinadaanan along mga studyante ay nagtatawanan ito habang nakatingin sa palda ko.

May naglagay kasi ng yellow slime sa upuan ko kaya dumikit yung iba sa palda ko. Napabuntong hininga ako, sanay na ako sa mga kalokohan nila at wala akong balak patulan sila.

Pagpasok sa locker room ay nagpalit ako ng palda. Good thing I'm always prepare for this.

Napakagat labi ako at tinignan ang pangalang nakaukit sa arnis. Where are you?




BEAUTY IN DISGUISE 1 : The Curse BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon