CHAPTER 7

47 2 0
                                    

CHAPTER 7


=WIAL=

ANDITO KAMI ni Fial sa park kung saan kami unang nagkakilala at nagkabating dalawa.

"So.. Bakit hindi kq pwedeng magmahal?"-tanong ko sa kanya.

Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.

"Dahil sa Aphrodite's Curse, hindi ako pwedeng magmahl.. Kaya wag mo sana akong mahalin ulit.. Mahalin mo nalang si Zial since parehas kayong may Medusa charm, and I'm sure matututunan ka rin no'n mahalin."-nakangiting tumimgin sya sa'kin. "Ayaw ni Zial sa mga babae, kaya nagtataka ako sa mga ipinapakita niya sayo. Tska alam mo bang NGSB 'yon?"

NGSB? 

"You mean, No Girlfriend Since Birth?"-nakakunot noong tanong ko.

Tumango naman sya at tumawa.

Sinasabi ko na nga ba eh! BAKLA talaga yung axtro na 'yon.

"Tsaka alam mo ba noon, grabe sya kung lumayo na mga babaeng lumalapit sa kanya. *laugh* pero hindi naman siya bakla, sadyang ayaw niya lang talaga sa mga babae."-natatawang kwento niya kaya napatawa nalang rin ako.

Madami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya... Kay Fial.


=ZIAL=


NAKATINGIN LANG ako sa kapatid ko at sa fiance ko habang andito ako sa loob ng kotse ko.

Masaya silang nagtatawanan na dalawa, habang naka-upo sa swing.

Bakit hindi nalang si Fial? Mukha namang mas kailangan niya si Wrosprodite eh.

Pesteng Aphrodite curse kasi na 'yan eh! Bakit hindi pwedeng magmahal si Fial? Siguro kung wala yung sumpa na 'yan masaya na silang magkasama ngayon. Mahahalata mo naman kasi kay Fial na mahal niya si Wrosprodite eh, kaso hindi siya pwedeng magmahal.

Napahigpit ang kapig ko sa manibela, dahil alam kong nahihirapan si Fial sa sitwasyon niya. Kung sana kaya ko lang pawalain ang sumpang 'yon, matutulongan ko pa silang dalawang maging mas masaya.


=WIAL=

One week na anv nakakalipas at gano'n parin naman kami ni Axtro pero may konting nagbago. 

Minsan nalang kami magka-usap ni Fial, dahil may bago siyang girlfriend at ako naman laging kasama 'tong baklang 'to.

Sinabihan kasi kami ni mom na dapat kung saan ako pumunta ay ando'n din 'tong baklang 'to. Pero sa isang linggong nakalipas unti-unting nagbabago ang turing namin sa isa't isa, minsan sweet kami at napapatulala sa isa't isa at 'yon ang ikinababahala ko.

Natatakot ako... Natatakot na baka iwanan niya ako, alam kong ayaw niya sa mga babae lalo na sa mga baaeng may gusto sa kanya.

Isang linggo palang naman diba? Bakit ang bilis mahulog nitong puso ko sa kanya?

"Hey! You're spacing out Prodite."

Napakurap ako at tinignan si Axtro na nakakunot noong nakatingin sa'kin.

I smile sweetly at him, bago ko sya sinagot.

"May iniisip lang ako."-sabi ko sa kanya.

Iniisip kung paano ko patitigili ang puso kong tumibok ng mabilis dahil sayo.

"Iniisip mo ba si Fial?"-tanong niya.

Napangiti naman ako ng malapad ng dahil sa tanong niya.

"Ayiee! Nagseselos ka noh?"-tukso ko sa kanya.

BEAUTY IN DISGUISE 1 : The Curse BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon