CHAPTER 8

48 2 0
                                    

CHAPTER 8


=WIAL=


Dala-dala ko yung arnis na pinaka-iingatanko, nawawala kasi yung isang arnis na ni-regalo sa'kin ni Fial eh... Etong arnis na 'to since 11 years old ako nasa akin na 'to, bigay 'to sa'kin ng first crush ko bago siya umalis noon at pumunta sa Japan. Hindi ko na maalala yung complete name niya pero tawag ko sa kanya Zizi, ginawa niya 'to para sa'kin at sya rin ang nagturo sa'kin kung paano gumamit nito.

"Wial!"

Napalingon naman ako sa pintuan ng room ng bigla akong tinawag ni Fial. Nanlaki yung mata ko ng makita kong itinaas niya yung kamay niya na hawak yung arnis na regalo niya sa'kin.

Bigla ko namang naalala yung araw na naki-sabay ako sa kanila kumain ng lunch sa cafeteria.

Kaya naman pala hindi ko mahanap yung arnis eh! Nasa kanya pala.

Lumapit siya sa'kin ng nakangiti at binigay yung arnis.

"Naiwan mo 'yan nung kumakain tayo ng lunch, hindi na kita natawag kasi nagmamadali kang umalis."-paliwanag niya.

Tinignan ko siya at ngumiti na rin sa kanya.

Natawa naman ako bigla sa sarili ko, para kasi akong baliw na hinahanap sa buong bahay yung arnis na 'to.. Eh wala naman pala 'to sa bahay.

"Nga pala.. About do'n sa kagabi."-Fial.

Napatigil naman ako bigla, dahilan para ngumisi ng malaki si Fial.

"A-anong tungkol kagabi?"-kinakabahang tanong ko.

Don't tell me aasarin niya ako tungkol do'n sa naudlot na kissing scene kuno sana namin ni Axtro?

"Nadismaya ka siguro nung hindi natuloy yung kiss niyo ni Zial noh? *laugh* grabe ang pula ng pisngi mo nung nahuli namin kayo nila dad, and tita rian sa kusina kagabi."-asar niya sa'kin habang tumatawa.

Gosh! Nakakahiya talaga yung pangyayaring 'yon! Pero may point naman siya eh, MEDYO nadismaya naman ako ng konti no'n eh.

"H-hindi ah!! 'Wag mo na ngang ipaalala!"-inis na sigaw ko sa kanya.

Bigla namang naging seryoso yung mukha niya.

"Ano kayang mangyayari kung natuloy yung kiss niyo? Parehas kayong may Medusa charm, diba? Anong kayang mangyayari sa inyong dalawa kung sakali mang natuloy yung kiss niyo?"-seryosong tanong niya.

Ano nga ba? May masama bang mangyayari sa'min o wala?

INIIWASAN KO ngayon si Axtro, hindi ko parin kasi makalimutan yung kagabi eh.

Andito ako ngayon sa cafeteria, kumakain mag-isa. Si Axtro ang lagi kong kasabay, pero dahil iniiwasan ko sya wala na akong kasabay.

Habang kumakain ako may naramdaman akong tao sa likod ko.

"Look guys! She's alone! Nagsawa na siguro sa kanya si Zil, kaya mag-isa nalang sya ngayon!"-natatawang sabi nung babae.

Umirap ako ng palihim pero nakatalikod parin ako sa kanila.

Tsk! Pake ko sa kanya? Sabihin niya na ang lahat ng gusto niyang sabihin, wala akong pake!

"Sis, mukhang wala syang balak na pansinin ka oh."-malanding sabi pa nung isang babae.

Of course babae! Mga babae lang naman ang hindi tinatablan ng charms ko eh.

"Psh! Hindi porket gumanda ka may karapatan ka ng balewalain kami! Hamak na NERD ka pa rin!!"-rinig sa boses niya na naiinis na sya.

BEAUTY IN DISGUISE 1 : The Curse BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon