CHAPTER 9
=WIAL=
NAKATUNGO LANG ako sa desk ko, ansakit kasi ng ulo ko eh.. Napagod siguro ako kahapon ng sobra, pero masaya naman.
At dahil antagal dumating ng adviser namin, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
=ZIAL=
PAGPASOK KO sa loob ng room, nakita kong nakatungo si Wrosprodite sa desk niya.
"Ai?"-tawag ko sa kanya pagkalapit ko sa kanya.
Hindi sya sumagot at nanatiling nakatungo lang.
Nangunot yung noo ko at hinawi yung mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya.. Pero mas lalong nangunot yung noo ko ng mahawakan ko yung noo niya na sobrang init.
Wait.. May sakit sya?
"Ai?"-tawag ko nanaman sa kanya habang niyuyugyug siya.
Dumilat naman sya pero sandali lang.
"Hmm?"-tanging bigkas niya.
Hinipo ko yung leeg niya pati narin yung noo niya... Tama nga ako may sakit sya, pero bakit sya nagkasakit?
Nagulat nalang ako ng biglaang bumagsak yung ulo niya sa dibdib ko.
Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba kung bakit sya nagkasakit? Masyado ko ba syang pinagod kahapon?
Ng mga oras na nakita ko syang hirap huminga, dali-dali ko syang binuhat ng pangkasal at tumakbo ng dahan-dahan palabas sa room. Wala akong pake kung makita man kami ng ibang estudyante, ang mahalaga maidala ko si Wrosprodite sa clinic... Ayokong makita ang mahal ko na nahihirapan tulad nito, dahil nasasaktan ako na makita syang nahihirapan.
=WIAL=
NAALIPUNGATAN AKO dahil sa sakit ng ulo ko.
Bumangon ako at nilibot yung paningin sa loob ng kwarto ko.
Teka? Bakit nasa kwarto na ako? Nasa school ako kanina ah.
"You're awake."
Napalingon ako sa sofa na nasa loob ng room ko. Nakita ko do'n si Axtro na kinukusot yung mata niya.
Oh my! Ang hot niya!!
Lumapit sya sa'kin at hinawakan yung noo ko pati narin yung leeg ko.
Ano bang meron? Bakit ang seryoso niya?
"Bakit?"-takang tanong ko.
Tumingin sya sa'kin ng seryoso pero halata ang pag-aalala.
"I'm sorry, hindi dapat kita pinagod kahapon nagkasakit ka tuloy."-nagsisising sabi niya.
Nangunot naman yung noo ko.
Nagsisisi sya?
"Hindi mo kasalanan 'yon, don't blame yourself. Wala kang kasalanan, ako mismo ang pumagod sa sarili ko kahapon."-sabi ko sa kanya ng nakangiti.
Ngumiti rin naman sya sa'kin pero mahahalata parin sa mukha niya ang pag-aalala.
Ngayon ko lang napansin na parehas sila ni Zizi ng kulay ng mata. Zizi is my first crush kaya hindi ko makalimutan yung mukha niya, how I miss him so much!
Dalawang beses na akong iniwan, yung isa first crush ko at yung isa naman first love ko. Kaya siguro natatakot ako na baka iwan din ako ni Axtro, ngayon pa ba na halos ayoko ng mawala sya sa tabi ko?
Nagustuhan ko si Zizi kasi sya yung protector ko noon, ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako at nakikitang umiiyak ako. Tinuruan niya akong gumamit ng arnis kasama na do'n ang self-defense, kaya mas lalo ko syang nagustuhan kasi ang cool niya. Hindi rin sya naaapektuhan sa charm ko, kaya nalilito na ako kung sino ba talaga ang prince charming ko? Yung noon o ngayon? Yung first crush, first love, o yung second love ko? Isa lang naman sa kanilang tatlo ang prince charming ko eh, yung lalaking kayang-kaya akong mahalin ng totoo.
Sabi ni Aphrodite noon nung nanaginip ako. 'Sa oras na makita mo ang lalaking nararapat para sa'yo mawawala ang sumpa. True love kiss lang ang kailangan mo para mawala 'yon.' 'yan ang sabi niya sa panaginip ko.
True love kiss? Nahalikan na ako ni Fial pero hindi naman nawala yung sumpa, may nararamdaman pa ako kay Fial no'n pero bakit? Ibig bang sabihin no'n hindi niya talaga ako kayang mahalin?
Eh yung almost kiss kaya namin ni Axtro? Paano kaya kung natuloy 'yon? Ano kayang mangyayari?
Napailing ako at mahinang kinurot ang sarili dahil sa naisip.
HALOS DALAWANG araw akong may sakit pero okay na naman ako ngayon. Kasalukuyan akong nag-sesearch kung ano ba ang ibig sabihin ng Ay na 'yon.
"Ayon!"-sigaw ko ng makita ko.
Ai? Ai ba 'yon o Ay? Baka pronuciation lang?
"Ai, is a japanese word 'love' in english."-basa ko.
Napatakip naman ako sa bibig ko ng dahil do'n sa binasa ko.
Bakit niya naman ako tatawaging love? Oh my god! May gusto ba sya sa'kin? OMO!
"KYAAAH!!"-tili ko habang tumatalon sa ibabaw ng kama ko.
Waaah!! Kinikilig ako!
Pinakalma ko yung sarili ko tsaka ako bumalik sa tapat ng computer ko.
Makapag-search nga din ng pwedeng i-endearment sa kanya.
"Hmm... Let's see. Gusto ko korean... French nalang kaya? Ay hindi, greek kaya? Hmm... Korean na nga lang."-naguguluhang sabi ko.
Jagi? Jagiya? Or oppa?
"Jagiya nalang!"-excited na sabi ko.
Sana hindi niya maintindihan!
PALINGON-LINGON ako dito sa hallway nagbabakasakaling makita ko si Axtro.
"Ansan na ba 'yon? Baka nasa room na sya?"-bulong ko sa sarili ko.
"Ai!"
"Ay Jagiya!"-gulat na sigaw ko dahil sa sumigaw.
Nilingon ko yung sumigaw and I saw Axtro running towards me.
Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan syang tumatakbo papalapit sa'kin.
Yung pagtibok ng puso ko sobrang bilis, to the point na parang nangangarera na sa sobrang bilis ng pagtibok.
Dahil hindi ko na kinaya yung nararamdaman ko, yung bilis ng tibok ng puso ko. Napasigaw ako bigla na ikinagulat ng lahat pati narin ni Axtro.
"I LOVE YOU!"-sigaw ko, pero napatakip din naman ako sa bibig ko.
Nakita ko naman kung paano nanlaki yung mga mata ni Axtro.
Tumalikod ako at ready ng tumakbo, ng marinig ko syang sumigaw na nagpaluha sa'kin.
"I LOVE YOU TOO, WROSPRODITE!"-sigaw niya.
Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa narinig kong 'yon.
Totoo ba 'to? Kung panaginip man 'to sana... Sana hindi na ako magising pa.
Special ang araw na 'to ngayon kaya hinding-hindi ko kakalimutan ang araw na 'to.. Eto yung araw na inamin ko sa maraming tao na mahal ko si Axtro, anong magagawa ko? Hindi ko na napigilan yung nararamdaman ko eh.
Pero I'm so happy today! Dahil mahal din ako ng lalaking mahal ko, sana sya na ang prince charming ko, at sana ako rin ang princess charming niya.
Tama nga ang sabi nila na, 'Hindi mo masasabing ayaw sayo ng isang tao kung hindi mo susubukang umamin o aminin ang totoong nararamdaman ng puso mo para sa kanya.'
Inamin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman at napatunayan kong may nararamdaman rin sya sa'kin, kaya masaya akong malaman na mahal niya rin ako.
*************
AUTHOR'S NOTE: I actually don't think this kind of story suits my personality. Hahaha.. I'm worse in making conversations, aren't I?
BINABASA MO ANG
BEAUTY IN DISGUISE 1 : The Curse Beauty
Teen Fiction[AUTHOR: I made this story two years ago bago ko maisipang gumawa ng story about music and this is actually almost complete and I am just changing some parts.] Wrosprodite Irriasty Axialmesa Lazdiamess was born with a natural beauty and loved by eve...