CHAPTER 5

60 2 0
                                    

CHAPTER 5

=WIAL=

NAPALINGON AKO sa pintuan ng kwarto ko ng bumukas 'yon at pumasok si mommy.

"Wial?"

"Yes mom?"-tanong ko.

Nakita ko naman na parang nagdadalawang isip sya, kung sasabihin niya ba o hindi.

"Spill it mom."-sabi ko.

Kinakabahan na kasi ako.

"Wial? You know it's impossible na magkaroon ka ng asawa diba? Kaya imbis na maghintay ka sa Prince Charming mo na dumating.... I-aarrange marriage na lang kita."-sabi ni mom ng puno ng pag-aalala.

Napatigil naman ako bigla sa ginagawa ko.

Arrange marriage?

"Mom.. What is this all about? Para sa'kin ba o sa kompanya?"-kalmadong tanong ko kay mom.

Rinig ko naman kung paano siya bumuntong hininga.

"This is not about the company, Wial... Para sa 'yo 't-"

*BLAG*

"Mom! For pete's sake! Marami pa namang panahon! Bata pa ako at handa along maghintay kahit gaano katagal para sa Prince Charming ko!"-galit na sigaw ko kay mom.

Pinulot ko yung upuan na natumba sa pagtayo ko kanina.

"Baby, hindi pa naman kayo ikakasal agad. Susubukan lang naman natin eh, kung mag-woworkout ba yung relasyon niyo or hindi."-mahinahong sabi ni mom.
"Don't worry kung ayaw mo sa kanya pwede naman nating i-cancel yung arrange marriage eh."-dugtong niya pa.

Napakamot ako sa pisngi ko bago sumagot.

"Fine."

Susubukan lang naman eh, for my mom.

AS USUAL pinagtitinginan nanaman ako ng ibang estudyante.

Hindi ko dala yung arnis ko, hindi ko kasi alam kung saan ko nailagay, nakalimutan ko kung nasaan.

Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa'kin na apat na lalaki.. Namumukhaan ko yung tatlo pero yung isa hindi kaklase ko kasi yung tatlo kaya kilala ko sila sa mukha pero sa pangalan hindi.

"Hi, WROXIAL."-malambing pero madiing sabi nung isa kong kaklase na mataba.

Tinaasan ko lang sila ng kilay at akmang maglalakad na sana ako ng isandal ako ng isang lalaki na hindi ko kilala sa pader.

"ANO BA!?"-sigaw ko dahilan para mapatingin sa'min ang lahat.

"Matapang ka na pala? Dahil ba nabinggwit mo yung may-ari ng school na'to? Nakakapagtaka ngang naging close kayo agad eh. Inakit mo siguro yung dalawang transferee na 'yon."-sabi nung isa kong kaklase na may bigote.

Matalim lang akong nakatingin sa kanila.

"Sabagay pare, tanggalin mo lang yung salamin niya maganda 'yan panigurado."-sabi naman nung lalaking hindi ko kilala.

Nanlaki yung mata ko ng hawakan nung dalawa pang lalaki yung magkabilang braso ko.

Oh no! Please, someone help me!!

=FIAL=


Nakikisiksik ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa gilid sa hindi ko malamang dahilan kung bakit. Nakapunta ako sa pinaka-harap at halos kumulo yung dugo ko ng makita ang isang imahe ng babae na hawak ng dalawang lalaki habang yung dalawa ay nasa harap niya.

BEAUTY IN DISGUISE 1 : The Curse BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon