Verdanah POV :
Naka tingin lang ako sa labas ng bintana habang tahimik naming binabaybay ang daan. Kanina pa kami bumibyahe, siguro mag iisang oras narin, at wala akong ideya kung saan kami patungo. Ang alam ko lang ay kasal ang pupuntahan namin.
Napasulyap ako sa katabi kung na paka gwapong lalaki, nakaupo katabi ko. Kumikislap ang kanyang buhok pag natatamaan ng araw, parang kumikinang na ginto. It took everything in me not to run my hand, through his silky smooth hair.
Nang bigla syang napa lingon sa akin, making me instantly look away. Rinig kung marahan syang tumawa kaya naman pakiramdam ko nag init bigla ang mukha ko dahil sa hiya. Shit nahuli nya lang naman akong nakatitig sa kanya.
Sa bawat minutong dumaan nagsisimula na akong ma inip. A bored verdanah ay ang huling tao ayaw nyong makasalamuha. Kasi pag ako naiinip madali akong mainis at... Well never mind.
Pwede ba akong mag tanong? Wika ko, sa wakas ay sumuko ako sa katahimikan na ito.
Tumawa muna sya ng marahan. Nagawa mo na, aniya habang may ngiti sa labi.
OK fine go ahead. Pagpapatuloy nya.
Well, bat gusto mo akong mag panggap na peke mong girlfriend?
Well that's for me to know and for you to find out. Sagot niya sabay kindat.
That's not fair, angal ko. Kaya naman marahan syang tumawa.
Dito na tayo, aniya sabay patay ng makina, at labas ng sasakyan. Naglakad sya pa punta sa side ko at pinag buksan ako ng pinto.
Nahulog ata ang panga ko sa lupa, habang papalabas ako ng sasakyan. Holy sh- ngunit bigla nyang tinakpan ang aking bibig.
Don't. Binalaan nya ako. Napahiyaw ako sa ilalim ng kanyang kamay. Ng may bigla akong maisip. Dahan dahan kung nilabas ang dila ko, at dinilaan ko ang kamay nya na naka takip sa bibig ko. Kaya naman mabilis nyang inalis sa bibig ko ang kamay nya. Hahahaha.
What the hell danah? Sigaw nya habang pinupunasan nya ang kamay nya. I just rolled my eyes on him.
Font Ash, buti naman nakarating ka. Isang may edad ng babae ang lumapit sa amin sabay yakap kay font.
Hi Rebecca. Sagot naman ni font. Pagka tapos nilang mag batian ni font sa akin naman na baling ang pansin ng babae. Binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti.
At sino naman tong magandang dalagang kasama mo? Tanong nya habang pinag-aaralan nya ang kabuuan ko.
She's verdanah my girlfriend, he proudly reply.
Verdanah, na paka unique na pangalan komento naman ni rebecca.
Salamat bulong ko.
Are you guys going to stand here all day. Or papasok kayo para naman ma congratulate nyo ang bagong kasal? Masaya nya tanong.
Marahan namang natawa si font. Come on love. He guided me into the elegant decorated vineyard.
Font pwede ba akong mag tanong? Naiilang kung tanong sa kanya. He just nodded.
Kaninong kasal to?
My ex-fiance and my best friend. Wika nya na hindi man lang tumingin sa akin. Alam kung nasasaktan sya.
Okay ka lang ba? Tanong ko sa kanya habang papalapit kami sa bagong kasal, na busy sa kanilang mga bisita.
I'm fine. Simpleng sagot nya. Pero alam kung hindi sya okay, nasasaktan sya.
Oh my God Font Ash, masayang tawag ng bride kasama ang groom nyang papalapit sa amin. Sa totoo lang sya palang ang nakita kung napaka gandang bride. Bigla naman humigpit ang pagkaka hawak ni font sa beywang ko.
BINABASA MO ANG
FLIRTING with the BILLIONAIRE (COMPLETED)
HumorVerdanah Saavedra, para sa kanya ang buhay nya ay parang circus. With the job that barely paid her bill, may asshole pa syang boss, at ex-bestfriend na ginagawang imperno ang buhay nya. But her life completely turned upside down, nung araw na nakaba...