Helliazy's P.O.V
Lahat sila'y nagsitabihan nang makita nila akong paparating,all of them have that fear in their eyes,sa hindi ko malamang dahilan sabagay di ko rin alam kung bakit sila takot hindi ko rin kasi na tanong kay Maxx kanina kung anong meron.
Alam kong hindi sya makakasagot ng maayos,he's Dumb because of fear,hayss ano bang meron gusto kong itanong sa mga naka paligid sa'kin ngunit mukhang hindi ko sila makaka usap dahil sa takot at halos magtakbuhan na ang mga ito.
Kung kaya't hindi ko nalang pinansin kung ano mang meron o nangyayari at wala naman din akong pakealam kung anong meron sa pagmumukha ko.
Hanggang sa makalabas ako ay hindi maiwasan ang pagka gulat at takot sa kanya-kanyang mga mukha ng aking mga nakakasalubong.
Ano bang meron?
Naku-curious na talaga ako,dahil sa ganoong reaction ng mga nakakasalubong at nakakakita sa akin kung kaya pumunta ako sa pinaka tagong lugar at agad kong inilabas si shade.
"Ano pong maipag--"
Agad akong nagtaka ng biglang napahinto si shade at mariin nitong tinitigan ang mukha ko,napa kunot ang aking noo ng mapa iling-iling ito.
"Master alam nyo naman pong hindi kayo pwedeng magmalabis sa emosyong iyong unti-unting nararamdaman,dapat ay pigilan nyo iyan at baka lumabas ang tunay nyong anyo at hindi ka na makabalik sa dati"
Pangaral ni shade sa'kin at unti-unti akong nilapitan saka itinapat ang kanyang daliri sa aking noo at bigla nito iyon tinusok at dahil doon ay mabilis kong naramdaman ang unti-unting panghihina ng aking katawan kaya hindi ako nagdalawang isip na malayang humiga sa damuhan habang hinihintay na makabawi ang aking katawan.
"Sa uulitin master ay wag nyo na pong hayaang maipon ang iyong itim na enerhiya sa inyong katawan,mahirap na at baka maabot nito ang limitasyon at baka mangyari na naman ang mga hindi dapat mangyari"-Shade.
Napa buntong hininga na lamang ako,si shade lang ang katangi-tanging nilalang na gawa ko ang makaka pagpapigil sa'kin na maging isang ganap na halimaw,kung baga si shade ang nag-iipon ng mga malalakas at masamang enerhiya sa aking katawan.
Si shade ay galing sa aking kapangyarihan at sya'y na buo dahil sa naghihinagpis kong puso noon,habang ako ay naghihinagpis ang puso ko naman ay pilit na naghahanap ng karamay at iyon ang totoong dahilan kung kaya't pinaglilingkuran ako ni shade,kailangan ko ng karamay at ako lamang ang pwede nyang sundin dahil ako ang bumuo sa kanya.
"Ano ba ang itsura ko kanina shade?"-tanong ko gamit ang telepathy.
"Purong puti ang inyong mga mata at walang ano man ang makikita rito"-shade.
Ibig sabihin ay nasa proseso ako ng pagiging halimaw,buti nalang at hindi ko lubusang inilabas ang aking nararamdaman,at kung nangyari mang nailabas ko ang aking hinanakit ay sa malamang madaming inosente ang madadamay at mababawian ng buhay.
Napa buntong hininga ulit ako bago dahan-dahang bumangon at tumingin kay shade bago ito isinumon ulit,napa pikit naman ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking noo kung saan pinadaan ni shade ang itim na enerhiya.
"Hayssss"inis kong sambit saka tumayo habang mariin paring naka pikit ang aking mga mata,what the F*,bakit ang sakit ata neto?
Hindi na ako humakbang pa at nagteleport nalang ako pabalik sa dorm at sa oras na dumilat ako ay bumungad sa'kin ang napaka linis ngunit madilim na silid,hindi na ako magtataka pa kung isipin nyong sobrang lungkot ng buhay ko.
Sabagay sa sobrang dilim ay hindi mo aakalaing umaga pa pala,agad kong ibinagsak sa kutchon ang aking nang hihinang katawan at napa pikit.
Ilang oras din akong naka tulog at hindi ko namalayang sa aking paggising ay may sabugan nang nagaganap sa labas.
*Boogshhh*
*naka gigimbal na ungol ng isang nilalang*
Agad akong napa tayo sa aking hinihigaan saka nagmamadaling pumunta sa sala sa pag-aakalang andito ang aking mga kasamahan ngunit hindi ko sila na abutan.
Dali-dali akong lumabas at dahil sa hindi ko matukoy kung saan ang pagsabog,agad akong gumawa ng shadow fairies saka inutusan silang hanapin kung saan ang pangyayaring iyon,habang ako naman ay tumakbo papunta sa pinaka dulo ng pathway, tinanaw ang mga nasa ibaba at nagbabakasakaling makikita ko iyon dito.
Hindi naman ako nag kamali,kahit malayo ang pinangyayarihan nito abot tanaw ko naman ang mga pangyayari,agad kong sinumon pabalik ang mga shadow fairies ko na nagkalat sa paligid at agad akong gumawa ng shadow cloud saka sumakay rito at mabilis na nagtungo sa pagsabog.
Dahil nasa ibabaw ako ng gawa kong ulap,kitang-kita ko ang kanilang labanan mula sa ibaba kapansin-pansin din ang wasak na bahagi ng barrier kung kaya't agad akong bumaba.
Maglalakad na sana ako papunta sa barrier ngunit na hagip ng aking mga mata ang isang pilay na babaeng may kaedaran na at pilit parin itong nakikipaglaban.
Agad akong tumakbo papunta sa babae at sinangga ang malaking maso ng higante na dapat ay tatama sa babaeng hirap na hirap na sa kanyang sitwasyon,"Shadow eel" bulong ko saka lumabas ang sobrang habang eel saka ito pumulupot sa halimaw at piniga ang katawan nito hanggang sa mamatay at maging abo ang halimaw.
Agad akong napa lingon sa matandang babae na shock na shock ang mukha dahil sa kanyang nakita,na gulat nalang ako ng bigla itong lumuhod.
"Maraming maraming salamat po!"anito habang naka luhod aalalayan ko na sana syang tumayo ngunit nagulat ako sa kanyang mga sinabi."You're back your Highness,you're back"sabi nito.
Ako po si binibining XioXio/Acey na nagsasabing walang magandang maidudulot ang labis na pagmamahal kung hindi ka naman nya mahal.awts gege🙂
🥴
👇🏻
🌟
BINABASA MO ANG
The Shadow Lady (Paradise Academy)
FantasyTAGLISH- A Girl who live's in a very tall tower inside of a very dangerous mystic forest,she's the shadow lady who was born to be alone and sad...... How will she get out? Does she know how to smile? Who'll gonna save her? Read first so you'll under...