Third Person
Ang sa akala ng magkakaibigan ay simpleng paggagamot lamang ang ginagawa ng matandang babae ngunit lingid sa kaalaman nila ay ibinabalik pala ng matandang babae ang nakaraan ng prinsepe polaris at ni Helliazy.
Nagliliwanag parin ang mga balat ng kambal habang ang matandang babae naman ay nagpapalit na ng tunay nitong anyo habang may binubulong ito't naka pikit pa ang mga mata.
Helliazy & Polaris's past•••
"Reyna ire pa ho"anang isang healer na galing pa sa nature kingdom.
"AHHHHHHH!!!"Ire nito habang hingal na hingal at makikita sa mukha ng reyna na nahihirapan na ito.
"Ayan na po lumalabas na ang ulo ng munting kamahalan"naka ngiting sabi ng healer."Umire pa ho kayo mahal na reyna"utos nito kaya agad namang umire ang reyna at tuluyan ng lumabas ang isang sanggol na di matigil-tigil sa pag-iyak.
"Isa pong Prinsepe mga kamahalan"tuwang balita ng healer agad naman itong nilapitan ng isa pang healer na medyo bata pa ang itsura saka nito ikinumpas ang kamay at sa isang iglap lang ay malinis na ang munting prinsepe at naka balot na ito sa isang asul na balabal.
Agad na lumapit ang hari kaya marahang inabot ng healer ang munting prinsepe,"kamukhang-kamukha ko ang ating munting prinsepe aking mahal"anang hari sa reyna habang di mapantayan ang lapad at tamis ng ngiti sa sobrang saya nito.
Sasagot na sana ang reyna ngunit bigla itong napa sigaw,"AHHH!!!AAARRAAYYYYYY!!!"sigaw nito habang naka kapit sa unan,agad naman itong dinaluhan ng hari at nag-aalalang tinignan ang kanyang mahal na reyna.
"A-ano--"hindi na naituloy ng hari ang kanyang sasabihin ng di mag kamayaw na sumigaw ang healer.
"MAY ISA PA MGA KAMAHALAN!!" Sigaw nito at inabangan ang paglabas ng isa pang sanggol.
"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!"hingal na hingal at pawis na pawis na ire ng reyna habang mahigpit ang kapit nito sa kamay ng mahal na hari na syang nagbibigay suporta rito.
Tuloy-tuloy lang sa pag-ire ang reyna at nang tuluyan ng mailuwal ang kanilang supling napa hinga ng malalim ang reyna ng may ngiti sa labi kahit na bakas ang hirap at pagod nito.
"Isa pong munting prinsesa"nagagalak na balita ng healer.
Ilang sandali pang paghihintay ng reyna sa pag-iyak ng munting prinsesa nito ngunit napawi ang ngiti ng reyna ng hindi nito marinig ang iyak ng kanyang supling.
"A-anong nangyayari?"tanong ng mahal na hari,kabado namang napa tingin ang healer rito.
"K-kamahalan maari po ba naming paluin a-ang m-mahal na p-prinsesa upang marinig nyo ang i-iyak nito?" Nauutal at nanginginig na anito.
"B-baka masaktan ang aking munting prinsesa"nanhihinang anang reyna habang pilit na tinitignan ang kalagayan ng kanyang munting prinsesa?
"K-ka--"
"Gawin nyo na"utos ng hari kaya agad namang napa tingin ang mahal na reyna rito ngunit binigyan lang ito ng matipid na ngiti.
*Pakk*
Unang paloWala paring iyak
*Pakk*
Ikalawang paloWala parin
*PAKKK*
Pinakamalakas at ikatlong paloNgunit hindi umiyak o gumalaw man lang ang prinsesa kaya nagsimula ng umiyak ang reyna habang ang hari naman ay pilit na tinatatagan ang sarili nito.
Agad na lumapit ang dalawang healer,ang isa ay pinakinggan ang puso ng prinsesa habang ang isa naman ay pinapakiramdaman ang pulso nito ngunit malungkot itong napa tingin sa mga kamahalan at umiling-iling.
"Nakakalungkot po ngunit wala na po ang munting prinsesa mga kamahalan"malungkot na usal ng healer na syang nakiramdam sa pulso nito.
Napuno ng hagulgol ng reyna at hari ang buong silid at sinabayan rin ito ng iyak ng kanilang munting prinsepe na tila alam nito ang nangyayari sa kakambal nito.
Kahit na hirap na hirap ang reyna pilit nitong inabot ang walang buhay na prinsesa na agad namang ibinigay ng healer saka lumabas ng silid,hagulgol lang ang umaapaw sa buong silid habang yakap-yakap ng reyna ang prinsesa saka marahan nitong inilapag sa malambot na kama at don ito pinagmasadan ng mabuti.
Lumapit naman ang hari at umupo sa tabi ng reyna saka nito niyakap ang mahal na reyna habang akay-akay parin ang munting prinsepe nito na tumahan na sa pag-iyak napansin naman ng hari ang balat na naroon sa batok ng munting prinsesa at nakita nito ang infinity habang may korona sa ibabaw nito at ang sa isip ng hari ay ang nag-iisang salita 'kakaiba'.
Ilang sandali pa at biglang lumitaw ang isang babaeng maputi at nag-uumapaw sa ganda nagliliwanag rin ito saka naka ngiting nagpakilala. "ako ang dyosa ng buhay"pagpapakilala nito na nagpatulala sa mga kamahalan.
Titig na titig ang dyosa sa walang buhay na prinsesa saka nito iyon kinarga at may adorasyon na sumasayaw sa mga mata nito habang naka titig sa munting prinsesa.
"Ano ang pangalan ng magandang supling na ito?"naka ngiting tanong ng dyosa ngunit hindi ito sinagot ng mga kamahalan at nagpatuloy sa pag-iyak.
Nagsalita muli ang mahal na dyosa at doon na nito sinabi ang kahilingang ireregalo sa walang buhay na prinsesa na syang nagpasaya sa hari't reyna ngunit may kapalit ito na syang nagpalungkot rin sa dalawa ngunit pumayag parin ang mga ito alang-alang sa kanilang munting prinsesa.
"She will live but not with you,
She will live alone when she wakes up in their tenth birthday,
She will be powerful and highest of all,
She will live between Life and death,
She won't feel anything just to be the most strongest,
She won't know anything,
But don't worry when the right time comes the twin will cross the same path and only the both of them will recognize each other specially the twin's birth marks that symbolize as their connection with each other" mahabang anang dyosa habang naka ngiting naka tingin sa prinsesa.Nagtanong ulit ang dyosa kung ano ang pangalan ng walang buhay na prinsesa nung una ay walang nagsalita di naglaon ay lumapit ang hari sa prinsesa at hinalikan ang noo nito at ipinangalanan ito ng hari.
"Helliazy Dark Milann Light Shadow, ang ipapangalan ko sa aming mahal na prinsesa isinunod ko ang pangalan ng prinsesa sa akin dahil sa sobrang pagdadalamhati na ipinaramdam nito sa amin ng kanyang ina dahil sa pagkawala nito nangangahulugan rin ito na palaban,walang kinakatakutan at tapat"paliwanag ng hari binigyan ito ng matamis na ngiti ng dyosa at bigla nalang itong naglaho habang karga-karga ang walang buhay na prinsesa na nagpahagulgol pa lalo sa reyna habang ang hari naman ay tulala lang.
Pero bigla itong napa tingin sa munting prinsepe na akay-akay nito nang bigla itong umiyak habang may nagliliwanag sa may batok nito at doon nito nakita ang balat na infinity habang may nagkrus na espada sa ibabaw nito kapareho ito ng balat ng kanilang munting prinsesa ngunit korona ang naroroon habang espada naman ang sa munting prinsepe at doon nito naalala ang sinabi ng dyosa ng buhay
~both of them will recognize each other specially the twin's birth marks that symbolize as their connection with each other~at bigla nalang nabuhayan ng loob ang mahal na hari dahil sa sinabi ng dyosa.
~~~~~~~~~~~~End~~~~~~~~~~~~~*Yawn*
(-0-)Helliazy
(~O~)-Polaris
"Magkakambal nga"naka ngiting ani ng matandang babae/dyosa ng buhay(Goddess of life),"Tapos na ako rito"huli nitong sabi at naglaho na ito bago pa dumilat ang mga mata ng magkakambal.
"Helliazy is my twin?/Si Kuya Polaris..."agad namang nagkatinginan ang dalawa dahil sa sabay nitong pagkausap sa sarili at biglang sabay na napa upo.
"Kuya!/BUNSO KOOO!"
😎
👇🏻
🌟
BINABASA MO ANG
The Shadow Lady (Paradise Academy)
FantasyTAGLISH- A Girl who live's in a very tall tower inside of a very dangerous mystic forest,she's the shadow lady who was born to be alone and sad...... How will she get out? Does she know how to smile? Who'll gonna save her? Read first so you'll under...