2

276 9 0
                                    

Author's POV

"Let's leave." Sabi ng Mafia Boss habang buhat buhat si Hierra.

Mabilis silang naglakad palabas dahil palubog na ang barko. Nagkasalubong silang lahat sa main entrance ng barko at nagulat sina Kyle at Ford nang makitang buhat ng Mafia Boss si Hierra. Kasabay non ang paglubog ng barko.

Nagtungo sila sa kotse ni Aldrex at maingat na inihiga ng Mafia Boss si Hierra sa back seat.

"How did she know about this?" Bakas sa boses ng Mafia Boss ang inis. Madilim din sng mukha nito habang nakatingin ng masama sa tatlo.

"She probably followed my ca---" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay nakatanggap na siya ng malakas na suntok mula sa Mafia Boss.

"And you let her follow you?" Mabilis na umayos ng tayo si Aldrex.

"My apologies, Boss." Yumuko ito.

"Everything's done here. Go home." Tumalikod ang Mafia Boss at nagtungo sa sasakyan nito bago ito mabilis na pinaharurot.

Pinunasan ni Aldrex ang dugo mula sa basag na labi niya at tinawanan siya nina Ford at Kyle.

"Tsk! Mas gwapo na ako, pre." Sabi ni Ford sabay tapik sa balikat ni Aldrex.

"May bangas ka nanaman." Lalong tumawa sina Ford at Kyle.

"Mga gago!" Mura ni Aldrex sa kanila at sumakay na sila sa kani-kanilang mga kotse.

Aldrex's POV

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang isipin kung paano at bakit ako sinundan ni Hierra.

Nang dahil doon ay nagalit sa akin ang Mafia Boss. Alam ko naman ang rason kung bakit.

Hindi dahil sa plano, kundi dahil kay Hierra mismo. Ayaw niyang madamay si Hierra sa mga bagay na ginagawa niyang illegal.

At kung nagtatanong kayo kung ka-ano-ano ng Mafia Boss si Hierra? Ang Mafia Boss talaga ang kababata ni Hierra. Naghiwalay sila noong bata pa lamang sila dahil kailangan ni Boss na magpunta sa Russia at pumalit ako sa posisyon niya.

Nahulog ang loob ng Mafia Boss kay Hierra kaya kapag may nagtatangkang manligaw sa kanya ay pinahihirapan ko dahil ako naman ang malalagot kapag hindi ko iyon ginawa.

Lexus ang tunay na pangalan ng Mafia Boss ngunit hindi ko alam ang apelido niya. Hindi ko lang siya tinatawag sa kanyang pangalan dahil nasanay na akong tawagin siyang Boss.

May tatak si Hierra sa ibaba ng collarbone niya na parang tibok ng puso at sa tabi nito ay letrang L kaya nakasisiguro akong Lexus ang pangalan ni Boss. Simbolo iyon na pagmamay-ari siya ni Boss Lexus at walang sinuman ang dapat na umagaw sa kanya. Nakuha iyon ni Hierra noong nagpunta kami sa bar last month. Naglasing siya at hindi ko napansin na kinuha siya ni Boss para lagyan siya ng tattoo.

Naghahanap si Boss Lexus ng magandang pagkakataon para sabihin ang lahat kay Hierra ang mga iyon ngunit pinapangunahan siya ng kaba. Lalo na't nakita ni Hierra ang isa sa mga underground transaction namin ngayon. Mahihirapan si Boss na umamin dahil alam kong takot siya na baka hindi siya tanggapin ni Hierra.

Knowing Hierra, maiintindihan naman siguro niya. Or not.

Nang makarating ako sa mansion nila Hierra ay tinawagan ko ang kapatid niya. May kapatid itong lalake, nakatatanda.

Alam niya ang lahat ng nangyayari, kahit maliit na bagay man yan o malaki. Alam niya na kasali ako sa Mafia at kasali din naman siya ngunit nasa ibang grupo siya.

The Mysterious Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon