19

165 8 0
                                    

Hierra's POV

Hindi ako mapakali habang hinihintay ang parents ni Lexus dito sa isang pribadong restaurant.

Muli akong uminom ng tubig mula sa basong nasa harapan ko upang bawasan ang kabang nararamdaman ko.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at nakitang sila Tito na ang pumasok. Tumayo ako para salubungin sila.

"Hi, Hija." Niyakap ako ni Tito at nagbeso beso kami ni Tita.

"Let's order first before we talk." Nakangiting sabi ng Mom ni Lexus. I nodded.

Nang makapag-order kami ay kinamusta nila kung ayos lang ba ako sa kalagayan ni Lexus. Unfortunately, I'm not. It really hurts me. Kahit sino naman sigurong girlfriend ay masasaktan dahil hindi siya maalala ng boyfriend niya. Pero wala akong magagawa. Kapag pinilit ko siyang makaalala ay masasaktan siya, ayon sa doctor ay hindi pwedeng biglain si Lexus. Pipiliin ko nalang na ako ang masaktan habang wala siyang maalala kesa sa masaktan siya para lang makaalala. I'll wait for the day that he'll remember me, even if it takes several months or years.

Nang dumating ang order namin ay nagsimula kaming kumain.

"So, what do you want to talk about?" Ibinaba ko ang kubyertos na hawak ko at tumingin sa kanila. I held both of my hands tightly to ease my nervousness.

"Uhm. Tito, Tita. I don't know if you can accept this but I..."

"You're?" Sabay na tanong nila na mas lalong nagpakaba sa akin.

"I-I'm pregnant."

"You're pregnant?!" Napatayo si Tita dahil sa gulat. Si Tito ay nalaglag lang ang panga.

Yumuko ako. Tanggap ba nila? Hindi ko mawari kung tanggap ba nila o hindi.

"Oh my gosh. I'll have my grandkid soon? I'm so excited!"

"We're happy about the news, Hija."

Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. I really thought that they can't accept it.

"But Lexus can't remember... What do I do?" Malungkot na sabi ko. Muli silang umayos sa pagkakaupo at tumingin sa akin.

"Don't worry about my son. Makakaalala siya sa lalong madaling panahon." I nodded. I decided to just trust them. Walang magandang maidudulot kung mag-o-overthink na naman ako. Baka makasama pa kay baby.

"Ilang weeks na, Hija?"

"Three weeks po, Tita." Lumapad ang ngiti niya.

"Just call me Mommy." Napangiti ako bago tumango.

Pagkatapos naming kumain at mag-usap ay nagtungo na ako sa bahay. They want to have a baby shower next month which I agreed upon. Gusto ko ring bigyan ang baby ko ng baby shower. They also want to tell Lexus about me being pregnant but I said that it would be better if we keep this for ourselves for the mean time. Mas maguguluhan lang si Lexus kapag nalaman niyang buntis ako. He will be overwhelmed.

Inaalala ko palang ang reaksyon ni Lexus kapag nakaalala na siya at nalaman niyang buntis ako ay masaya na ako. Pakiramdam ko ay yayakapin niya ako dahil sa tuwa.

Napag-usapan na rin namin ang tungkol sa kasal but I didn't get to discuss that with them kasi hindi naman nsgpropose si Lexus. Ayokong umasa muna sa ngayon. Gusto ko munang makaalala si Lexus bago pag-usapan ang sa kasal namin.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa mansion. The moment I turned the lights on, I heard a loud sound from a confetti and strips of paper was flying on the air and dropping on the ground.

The Mysterious Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon