Author's POV
Nang makaalis si Vryl sa mansion ni Lexus ay nakatanggap ng message si Hierra.
"Lincoln Port at 3pm, sharp. He'll die if you come with someone."
Umiiyak na tumayo si Hierra at saka nagtungo sa kwarto ni Lexus. Pinulot niya ang suot niyang tube dress kagabi at saka nagtungo sa comfort room. Pinulot niya ang tube bra niya at isinuot iyon bago isinuot ang bestida.
Pagkatapos ay kinuha niya ang ballpen at saka isinulat ang address na pupuntahan niya.
Lumabas siya ng mansion dala lamang ang cellphone at note. Nang makarating siya sa gate ay ibinigay niya ang note sa guard.
"Pakibigay sa kapatid ko kapag dumating siya."
"Yes, Ma'am." Tumango siya at saka sumakay sa nakahandang sasakyan.
Nagsimula siyang magmaneho patungo sa Lincoln Port na isa sa pagmamay-ari ni Lexus.
Itinigil ni Vryl ang sasakyan niya sa harap ng mansion ni Lexus. Habang patungo siya rito ay tinawagan niya na rin sina Aldrex na pumunta sa mansion ni Lexus.
"Sir, pinabibigay po ni Miss Hierra." Kumunot ang noo ni Vryl at dali-daling kinuha ang papel. Napamura siya nang makita ang isang address. Sakto namang dumating sina Aldrex.
"What do you mean by that?" Agad na tanong ng mga ito.
"Hawak ni Maxwell si Lexus. And I think, Hierra went there already."
"What?! Fvck!" Pagmumura ng mga ito.
"Let's go inside. We need weapons." Pumasok silang lahat sa mansion ni Lexus at kumuha ng mga kakailanganin.
Kumuha sila ng pasabog, mga baril, kutsilyo, at kung ano ano pa.
Hierra's POV
Itinigil ko ang sasakyan ko nang makarating ako sa port. Pagkatigil palang ng sasakyan ay dalawang lalake na ang sumalubong sa akin. Sinubukan pa akong hawakan ng isa pero umiwas ako.
"This way." Sabi ng isa. May hawak sikang malaking baril kaya sumunod ako.
Makalipas ang limang minutong paglalakad ay tumigil kami sa isang container.
Bumukas ito at nakita ko ang ilang mga nagbabantay. May mga hawak silang baril. At nakita ko si Lexus na nakaupo, nakatali, at duguan ang mukha.
Mabilis akong tumakbo at niyakap siya habang umiiyak.
"Lexus. Oh my gosh. What did they do to you?" Umiiyak na sabi ko. Lexus looked at me and shock registered in his eyes.
"Hierra, why did you come here?" He asked me with fear in his voice.
"I came to get you." Sinimulan kong alisin ang tali sa kamay niya ngunit nakarinig ako ng kasa ng baril at malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko.
"Damn, no. You shouldn't have come here." Nanghihinang sabi ni Lexus.
"He's right. You shouldn't have come. And oh, as if I'll let you get him."
"Don't you dare pull the trigger, Maxwell." Galit na sabi ni Lexus.
"Well, Hierra. It's so nice of you to go here alone, you're so obedient. But it's stupid too." Humarap ako kay Maxwell at nang makaharap ako ay mabilis niya akong sinapak gamit ang baril na hawak niya.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Mafia Boss
ActionWhat happens if a businesswoman meets the mysterious Mafia Boss? @Roseeeeeyyyy Hey It's Roseeey