Hierra's POV
Iminulat ko ang mata ko at napadaing nang kumirot nanaman ang ulo ko. Dahan dahan akong umupo at tiningnan ang nakakabit na dextrose sa akin.
Inaalala ko palang ang nangyari noong gabing iyon ay nanginginig na ako sa takot.
Ano bang dahilan para gawin niya iyon sa akin? I almost died.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kuya.
"Kuya!" Tawag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin bago inilapag ang isang tray na may lamang pagkain sa side table.
Nang makita ko si Kuya ay hindi ko maiwang maluha. Agad siyang lumapit sa akin.
"Bakit? May masakit ba sayo?" Umiling ako at saka pinunasan ang mga luha ko.
"Alam ko naman kung gaano ka nag-alala. Eh, Kuya. N-Natatakot kasi ako." Umiiyak na sabi ko.
"I can't help but to worry, Hierra. But why are you scared?"
"B-Baka kasi maulit iyong nangyari, Kuya. A-Ayoko. Natatakot na ako..." Nakayukong sabi ko. Naramdaman kong pumulupot sa akin ang mga kamay ni Kuya at saka ako sinubukang patahanin.
"Hindi na mangyayari ulit iyon, Hierra. I can kill if they do this again." Humiwalay ako kay Kuya.
"Alam mo na kung sino?"
"Nope. But someone's working on it. Huwag mo nang alamin kung sino iyon. We'll do everything to find out who that person is."
"Per---"
"No buts. Kumain ka na." Napasimangot ako bago tuluyang pinunasan ang luha ko. Ipinatong niya sa kama ang mini table at saka ipinatong doon ang tray.
Kinuha ko muna ang tubig at uminom doon bago nagsimulang kumain.
"I didn't tell Mom and Dad about what happened."
Oh shit. I literally forgot about them.
"Buti naman."
"Tss. But you should recover fast. You slept for 3 days and you've missed a lot of things in your company."
Napabuntong hininga ako. I slept for too long.
"I'm fine. I think I can go to work now."
"No."
"Yes! I'm going to go to work today."
"Tss. Tigas ng ulo." He said and I just smiled at him.
I called Manang to bring me some clothes here at Lexus' house para dito na ako maligo.
Kuya kept asking me to just stay here and rest and go to work tomorrow pero humindi ako. He said that I missed a lot. So, hindi ko na kayang dagdagan pa ang mga iyon. Lalo na't tatlong araw akong wala. So cancelled din ang appointments ko for that three whole days.
Pagkatapos kong mag-ayos ay tiningnan ko ang ayos ko sa salamin. Manang brought me a black fitted dress, blazer, and heels.
Kukunin ko na sana ang phone ko pero naagaw ng atensyon ko ang isang papel. Kinuha ko ito at nakakita ng isang tattoo.
What?
This is the same with the tattoo below my collar bone. Medyo ibinaba ko ang damit ko at parehong pareho nga ang tattoo.
Anong alam ni Mr. Lincoln sa tattoo na ito? Siya ba talaga ang 'L' sa tattoo na meron ako at siya din ang namigay ng damit sa akin nang nandito ako sa bahay niya? Maybe yes. Maybe no.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Mafia Boss
AcciónWhat happens if a businesswoman meets the mysterious Mafia Boss? @Roseeeeeyyyy Hey It's Roseeey