Circa 2000
Ito'y buong puso kong isinulat para sayo
sa kabila ng masakit na katotohanan
na kahit kalian ay hindi mo malalaman
na ikaw and siyang tinutukoy ng liham kong ito
Alam mo ba..
kahit hindi ka magsalita,
buo na araw ko pag nasa tabi kita.
sana mabanggit mo kahit minsan,
na naging masaya ka dahil ako ang iyong kasama.
Handa akong ipagsigawan sa buong mundo
ang tunay kong nararamdaman sayo...
at alam kong kahit ikaw ay nasa tabi ko
hindi mo rin maririnig ang tibok nitong puso ko,
ang puso kong nanghihina kasisigaw ng pangalan mo...
Sa kabila ng kirot at sakit dito sa puso ko,
na dulot ng labis kong pagmamahal sayo.
ay ikaw pa rin magpahanggang sa ngayon
ang dahilan kung bakit tumitibok pa ito.
Nakikita mo ba ang mga luha ko?
para maunawaan mo ang laman ng aking puso,
at nang maramdaman mo ang pagibig ko sayo
na nakakubli sa bawat patak nito...
Hindi ko magawang ilihim ang pananabik sayo
ang maging bahagi sa bawat daang nilalakbay mo,
ayaw kong sundan ang mga yapak na tinatahak mo,
Ngunit bakit ganito...
hindi ko maihakbang ang mga paa ko papalayo sayo..
wala na akong takas pa,
hindi ko na maitatago ang luha sa aking mata...
at hindi ko na rin kayang pigilan pa
ang aking mga ngiting dahan dahan nang nawawala.
hindi ko hinihiling na ibsan mo ang aking kalungkutan,
bigyan mo lang ako ng kaunting pag-asa,
na balang araw ay makakalimutan din kita.
na isang araw, mawawala ka na rin sa isip ko
at tuluyan ng maglalaho sa loob ng puso ko...
Sana...
maintindihan nitong aking isipan,
na kailanman ay hindi mo magagawang tandaan,
ang mahahalagang bagay na hindi ko kayang kalimutan...
At sana...
matanggap nitong aking puso,
ang katotohanan na kaya mong maging masaya,
kahit wala ako sa buhay mo..
wc
BINABASA MO ANG
My Happily Never After (On Going)
RomanceNothing ever happens like you imagine it will... It's always full of surprises and it's not always pleasant. This story is about love,loss, and new beginnings... When your happily ever after turns to Happily Never After how will you survive?