Chapter 1

384 11 0
                                    

CHAPTER 1

AUTHOR'S POV

"Waaahhh! Waaahhhhh! Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Magnanakaw ka 'no? Waaahhhhh! Tita Betty!!" Tawag ng isang babae at nagpatuloy sa pagsigaw, nagising kasi siyang may katabing lalake kaya gulat na gulat siya. Nagmamadaling pumasok ang hindi katandaang Ale sa kwarto niya na may hawak-hawak pang susi.

"Ang aga aga ay nagsisisigaw ka d'yan tulay, nakakahiya sa mga kapit-bahay."

"Tita, sinong hindi sisigaw kapag nagising kang may katabi kang lalake na hindi mo kilala, Sino po ba yan? Bakit siya nandito at alam mo po? Ikaw ang nagpapasok?" Sunod sunod na tanong ng dalaga, tumango naman ang Ale

"Tita naman."

"Makinig ka nga muna, kagabi, mga 11:00 pm, nagtanong siya kung may matutuluyan pa dito."

"Hindi ba wala na?"

"Hindi mo ba ako patatapusin sa pagsasalita?" Tanong ng Ale, napakamot sa ang dalaga.

"Pina alis daw kasi siya sa kabilang apartment, ang sabi daw ay ipapa-renovate ang apartment."

"Na naman po? Nung isang buwan ay ang sabi doon ipapaayos daw, ibig sabihin may naperahan na naman sila?" Tanong ng dalaga

"Exactly, umuulan kagabi kaya pinapasok ko siya, malalim na din ang gabi. Dito na muna siya habang wala pa siyang matutuluyan na iba. Malaki naman itong kwarto mo saka mukhang may problema siya."pabulong na sabi ng Ale sa huling linya

"Eh bakit dito sa'kin Tita?"

"Eh saan ba dapat? Doon sa isang bahay na buong pamilya sila? Yung isang bahay mag-jowa ang nakatira, mga babae naman doon sa isa at mag-jowang gay naman doon sa dulo."

"Kaya dito mo po sa bahay ko siya pinatuloy?"

"Oo, alam ko namang maiintidihan mo ako e kawawa naman siya, naka-usap ko siya kagabi, mabait siya."

Tiningnan ng dalaga ang lalake, naka-upo ito sa kama pero nakatingin sa kanila.

"Tita, saan ako matutulog? Tabi kami sa kama? Sigurado ba kayong walang gagawing masama yan?" Tumango lang ang Ale, no choice ang dalaga kundi sumunod dahil kalahati lang ang ibinabayad n'yang upa, siya kasi ang pinagkakatiwalaan ng may-ari ng apartment. 

"Ipapahatid ko sa Tito Ben mo yung isang kama dito para hindi kayo magkatabi matulog, okay?"

"Okay po." Sabi ng dalaga na hanggang ngayon ay hawak ang unan na nakatakip sa katawan niya dahil nakasuot  siya ng pantulog.

"Bago ako umalis, ipapakilala ko muna kayo sa isa't isa para hindi kayo magkailangan, iho halika dito." Tawag ni Aleng Betty sa lalake, tumayo naman ito at lumapit sa dalawa.

"Siya ang makakasama mo dito sa bahay, five years na siya dito sa akin, siya si BRIDGETTE QUERUBIN at Brigette, siya naman si BRYLLE MELENDEZ." Pakilala ni Aleng Betty, nag-shake hands naman ang dalawa.

"Aalis na ako, magkasundo sana kayo at Bridgette, alas singko na, maghanda na at may pasok ka 'di ba? Isa pa, bawasan ang pagiging maingay ha." Sabi ni Aleng Betty bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Pasensya na kung nagulat ka na katabi mo ako natulog, hindi ka na nila ginising kagabi e." Sabi ni Brylle na seryoso

"Okay na. Pwede bang tumalikod ka muna? Magbibihis lang ako, nakapangtulog pa kasi ako e." Sabi ni Bridgette at agad tumalikod si Brylle.

Lumabas ng kwarto si Bridgette at nagluto ng agahan, maaga ang pasok niya at ayaw niyang ma-late.

"Hey!" Gising niya kay Brylle, nakatulog kasi ulit ang binata pagkatapos ng kanilang pag uusap kanina.

"Why?" Nakakunot noong tanong nito na pumipikat pikat pa.

"Aalis na ako, may pasok po kasi ako. H'wag kang magtatangkang magnakaw, bilang ko lahat ng gamit ko pati na yung mga bigas, nasa 13 billion pa yun bawat piraso pati na din yung asukal, at yung asin, hindi ko pa nabibilang." Sabi ni Bridgette bago ito tumalikod at lihim na natawa, umagang umaga ay kung anu-ano na namang trip ang naisipan niya.

"Tita Betty, papasok na po ako. Aalis po ba kayo?"

"Hindi, bakit?"

"Yung kasama ko sa bahay, pakibantayan po ha, baka itakas nun lahat ng gamit ko."

"Ikaw talagang bata ka, mabait na bata yung si Brylle, pumasok ka na at male-late ka na."

Sumakay ng jeep si Bridgette patungo sa DON FELIPE UNIVERSITY kung saan siya nag-aaral. Fourth year college na siya at kumukuha ng kursong Education, gusto niya kasing turuan ang mga batang palaboy na hindi nakakapag-aral, alam niya kasi ang pakiramdam ng mga batang kalye dahil dati siyang ganoon,iniwan siya ng nanay niya sa palengke at hindi na binalikan, nag-sikap lang siya kaya nakakapag-aral siya ngayon.

"Oh, Nandito na pala ang pambansang third wheel." Sabi ni Benj ng makita niyang palapit na sa kanila si Bridgette

"Tama na ang lambingan, nandito na ang single." Sabi ni Bridgette at naupo sa tabi ng mga kaibigan niya. Lima silang magkakaibigan, si Benj na boyfriend ni Brittany at si Banjo na boyfriend naman ni Belle.

"Ang aga mo yata ngayon?" Tanong ni Belle

"Tanghali na nga e nakulangan pa yata kayo ng oras na magkakasama ah, halos magkapalit na nga kayo ng mukha e." Sagot ni Bridgette

"Ganoon talaga kapag nagmamahalan, hindi nagsasawa sa isa't isa." Sabi ni Brittany at nag-apir pa sila ni Benj

"Sige, ipagpatuloy niyo lang yang pagmamahalan na yan at ako'y mauuna na, may gagawin pa akong report." Paalam ni Bridgette sa mga kaibigan niya.

"May gagawin ba talaga o ayaw mo lang makakita ng mga mag-jowang naglalambingan?" Pang aasar ni Benj sa kanya

"Both." Sagot ni Bridgette at tumatawang iniwan ang mga kaibigan niya.

-

"Bridgette, halika dito. May chika kami sa'yo." Tawag ni Brittany sa kaibigan nila

"Ano na naman yun? Iingitin niyo na naman ako sa mga lovelife niyo?"

"Hindi, may new classmate tayo this semester, dalawang lalake."  Sagot ni Brittany

"And so?"

"Mga pogi daw."

"Balak mong palitan si Benj? Grabi ka ha." Sabi ni Bridgette

"Hindi ah. ikaw, ikaw ang irereto namin para naman magka-jowa ka na at hindi ka na third wheel." Sagot ni Brittany

"Oo nga sis, tama si Brittany, look oh! Nand'yan na sila, si Billy Cortez at si Brylle Melendez." Sabi ni Belle, kaagad napalingon si Bridgette.

"Sino?" Tanong niya

"Billy Cortez at Brylle Melendez." Ulit ni Belle at itinuro ang dalawang lalake na naglalakad sa hallway, napatulala si Bridgette ng makita niya sa University ang lalakeng iniwan niyang natutulog sa bahay niya.


* End of Chapter 1 *

        >🎸

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon