CHAPTER 12
BRIDGETTE POV
"Good morning." Nagulat ako pagdilat ko kinabukasan dahil mukha agad ni Brylle ang bumungad sa akin, iniabot niya sa akin ang bulaklak na hawak niya.
"Good morning din." Sabi ko at inilagay ang bulaklak sa isang flower vase.
"Bakit hindi mo sinama dito sa maraming bulaklak?"
"Isang daan na kasi yan, dito naman sa isang vase ko iipunin." Sagot ko
"Isang daang rosas na 'to, kaya mo ako sinagot kahapon? Kapag naging isang libo na ba eh papakasal ka na sa akin?" Tanong niya
"Two years and two hundred seventy days pa bago maging one thousand 'to." Sagot ko
"Kahit mas matagal pa dun, syempre maghihintay ako kung kailan ka handa." Sabi niya sabay pisil sa pisnge ko
"Tara na, mag agahan na tayo." Sabi niya at naglakad na palabas pero bigla siyang bumalik.
"Hindi ko nga pala nasabi kagabi, bagay sa 'yo ang gupit mo, lalo kang gumanda." Nakangiti niyang sabi.
"Hehe thank you."
Nakakatunaw ang ngiti, my gosh! I'm in love.
-
"Brylle, tanong lang, magkakilala ba kayo ni Britt? Napapansin ko kasi na sa tuwing magsasalita siya eh napapatingin siya sa 'yo, medyo weird."
"Oo, galit sila sa akin." Sagot niya, hindi na lang ulit ako nagtanong kasi malapit na kami sa tambayan sa tabi ng cafeteria.
"May boyfriend na si Bridgette! May boyfriend na si Bridgette!" Kanta ni Belle at Brittany
"Ano'ng trip niyo?" Tanong ko
"Wala, may babaeng in love kasi." Sagot ni Belle
"Ikaw? In love kay Banjo 'di ba?"
"Oo pero ikaw, hindi ba in love ka din kay Brylle? Ayan oh ebidensya, may pa-holding hands pa." Sabi pa ni Belle kaya napuno ng kantyawan ang tambayan.
"Kapag magka-holding hands ba eh in love agad?"
"Depende, pero ngayon mukhang oo, kayo na ba?" Tanong ni Benj at lahat sila ay naka-abang sa magiging sagot ko.
"Kami na, boyfriend ko na siya." Proud kong sagot at naghiyawan na naman sila.
"Yes! Hindi na pambansang third wheel si Bridges! May jowa na siya." Sigaw pa ni Banjo kaya pinagtinginan kami ng ibang estudyante.
Nauna na silang pumasok, naiwan kaming tatlong babae dahil may kukunin pa kami sa locker room.
"Kanina mo pa ako tinitingnan ng ganyan Bridges, may gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Brittany, umiling lang ako at ngumiti.
Naalala ko kasi yung sinabi ni Brylle kanina, bakit kaya galit sa kanya sa Brittany?
"Wait Britt... Kapatid mo ba yun? Nasa Pilipinas na ulit sila?" Tanong ni Belle, napatigil kami sa paglalakad dahil nakita namin si Brianna.
"Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ng babaeng yan dito." Sagot ni Brittany
Tumingin siya sa gawi namin at naglakad palapit sa amin.
"Hi my dear sissy twinnie."
"Bawal ang outsider dito, ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ni Brittany
"Grabi ka naman sa akin, wala manlang kumusta kakambal ko, umuwi ka na pala?" Sabi ni Brianna
"So ano nga'ng ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Random[COMPLETED] ✓ "She said she's tired of everything but look at her, she's still fighting." Isang babaeng masayahin sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit at Isang lalakeng may mabigat na problemang hinaharap. Kapag pinag-tagpo sila, matutulunga...