CHAPTER 19
BRIDGETTE POV
"Kumain ka na Beatrice, masarap ang luto nitong si Tulay." Sabi ni Tita Betty
Nagpunta sila dito sa boarding house dahil alam nilang nandito kami, wala kasing pasok.
"Busog pa ako ate atsaka alam mo namang hindi ako basta basta kumakain kung saan saan lang." Sagot ni Miss Beatrice
"Bunso, masarap magluto si Tulay at isa pa pinagkakatiwalaan namin siya, hindi mo pa lang siya gaanong kilala kaya ganyan ang sinabi mo." Sabi ni Tito Ben
"Ako na lang ang kakain Tito, kanina pa ako gutom eh mukhang masarap itong luto niya." Sabi ng binatang kasama nila, kaagad sumimangot si Miss Beatrice at tumayo.
"Uuwi na ako, mauuna na ako sa inyo, hindi maganda ang pakiramdam ko." Sabi ni Miss Beatrice at lumabas na ng pinto, sinundan siya ng mag asawa.
"Beatrice, ano ka ba? Ganyan na ba talaga katigas ang puso mo? Alam mo ang dahilan kung bakit kita isinama dito, para makilala mo siya!" Pasigaw na sabi ni Tito Ben, sinundan ko sila.
"Bakit Kuya? Para saan? Para ipaalala sa akin na ang batang 'yan ang dahilan kung bakit namatay ang Tatay? Alam mo na inatake ang Tatay natin dahil dumating ako sa bahay na may dalang anak sa edad na kinse, ikinamatay niya iyon, hindi mo ba natatandaan?"
"Kaya ba iniwan mo siya sa palengke at hindi na binalikan? Hindi mo alam ang pinagdaanan ng batang 'yan, sobrang sipag ni Tulay, ginagawa niya ang lahat para mabuhay, ginagawa niyang araw ang gabi para kumita ng pera, wala ka ba talagang kwentang ina!" Sigaw ni Tito Ben, sinampal siya bigla ni Miss Beatrice
"Hindi mo din alam ang mga pinagdaanan ko Kuya, simula nung iniwan ko ang batang iyan sa palengke, kinalimutan ko nang naging anak siya, hindi ko nga alam na buhay pa pala siya." Sabi ni Miss Beatrice, kumirot ang puso ko, ayaw na ayaw niya pala talaga sa akin at halos ipanalangin niya pang mawala na ako.
Napasinghap ako ng bigla siyang sampalin ni Tita Betty ng malakas. ''Noon pa man ay ganyan na ang ugali mo, hindi ka na nagbago, h'wag mong hintayin na dumating ang panahon na pagsisisihan mo lahat." Sabi ni Tita
"T-Tito, Tita." Sambit ko, nasa likuran ko si Brylle kasama ang anak ni Miss Beatrice na si Bryan.
"T-Tulay/B-Bridgette." Sabay nilang sambit
"Siya yung Nanay ko? Siya pala yung babaeng nang-iwan sa akin sa palengke, kaya po ba palagi niyong sinasabi na ka-mukha ko siya? Bakit hindi niyo sinabi sa akin Tito? Nagsinungaling kayo, kaya ba pumayag kayo na na gamitin ko ang apelyedo niyo dahil alam niyong pamangkin niyo ako?"Mahina pero may gigil kong tanong
"Tulay, hindi. Nalaman lang namin ilang araw pagkarating nila, naikwento niya ang nangyari sa bata at ganoon din ang kwento mo kaya nalaman namin, napagtugma-tugma namin ang mga pangyayari." Sagot ni Tito
"Pero hindi niyo pa rin sinabi sa akin, matagal na sila dito."
Lumapit sa akin si Brylle, pinapakalma ako.
Tahimik silang lahat, hindi ako tinitingnan ni Miss Beatrice.
"Mommy?" Sambit ni Brylle, napatingin kami sa babaeng bumababa ng sasakayan.
"Belinda?" Sambit ni Miss Beatrice, lumapit sa akin si Tita Belinda at niyakap ako.
"Ayos ka lang anak?" Tanong niya, tumango ako.
"Beatrice, Kuya Ben, Ate Betty. Malayo pa ako ay rinig ko na ang sigawan niyo, mabuti na lang at konti lang ang tao dahil nasa bakasyon, hindi po sa nakiki-alam ako pero umuwi na muna kayo, kailangan ni Bridgette na magpahinga." Sabi ni Tita Belinda
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Random[COMPLETED] ✓ "She said she's tired of everything but look at her, she's still fighting." Isang babaeng masayahin sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit at Isang lalakeng may mabigat na problemang hinaharap. Kapag pinag-tagpo sila, matutulunga...