CHAPTER 22
AUTHOR'S POV
Tulalang naglakad si Beatrice palapit sa maraming tao, tiningnan niya ang babaeng nakahiga sa ataul, inisa-isa niyang tingnan ang mga tao sa paligid niya, nandoon si Tita Betty, Tito Ben, ang mag-asawang Belinda at Baron kasama si Brenda, si Prof. Bea, Brittany, Belle, Banjo at Benj. Nandoon din lahat ng kapit bahay nila pati na rin si Brianna, Benedict, Billy Cortez, ang buong BrixBand at lahat ng mga batang tinulungan niya sa kalye at sa ampunan pati na rin si Mang Boboy at ang ilang suki niya sa palengke.
"Mama, Mamaaaa..." Umiiyak na sigaw ni Basha, katabi nito si Braizel na pinapatahan ang kaibigan.
"Bakit ka nakahiga d'yan? Bumangon ka nga!" Sigaw ni Beatrice, nilapitan agad siya ni Bryan.
"Mommy please, h'wag ka namani mag-eskandalo dito, igalang mo naman si ate Bridgette kahit ngayon lang, wala na siya oh, iniwan niya na kami at alam naman naming wala kang pake-alam, umuwi na po kayo, hindi na ako sasama sa 'yo." Sabi ni Bryan, umiling iling lang si Beatrice at tulalang naglakad palabas ng gate.
–
"Papa, saan ka ba talaga pupunta pagkahatid mo sa akin dito sa school?" Tanong ni Basha
"Sa babaeng Mahal ko." Sagot ni Brylle
"Dadalawin mo si Mama?sasama po ako at bakit po isang pirasong red roses lang ang dala niyo? Pinitas niyo pa yan sa likod ng bahay kanina."
" Next time ka na lang sumama 'nak, pumasok ka na doon at baka magsimula na ang klase niyo, susunduin kita mamaya ha."
"Opo Papa, ingat po kayo. I love you." Sabi ni Basha at yumakap kay Brylle.
"I love you too anak, mag aral ng mabuti ha."
"Opo."
Patakbong pumasok ng school si Basha, lumingon pa ito kay Brylle at nag-flying kiss bago tuluyang pumasok sa classroom.
Tinahak ni Brylle ang daan patungo sa sementeryo kung saan nakalibing si Bridgette, napangiti agad siya.
"Hi Love, good morning. Miss na miss na kita at Mahal na Mahal pa rin kita hanggang ngayon, hindi na yun magbabago."
Umupo siya sa tabi ng puntod ni Bridgette.
"Nabasa ko yung mga sulat mo na nasa ilalim ng table mo, umiyak ako habang binabasa yun. Si Basha, sa bahay na siya nakatira, gaya ng sabi mo, inampon ko siya, hinatid ko siya sa school bago kita puntahan, yung farm ni Mang Boboy, binenta niya na sa akin, matanda na daw siya at hindi niya na kaya, kaya ako na ang nag aalaga. Binigay na nga pala nila Tita Betty sa akin yung bahay na tinitirhan natin, alam daw niyang mahalaga sa akin yun. Si Tita Betty at Tito Ben, palaging nagpupunta sa apartment pati na din si Mommy, iniiwan niya nga minsan si Brenda sa akin para daw may kalaro si Basha, yung mga kaibigan natin, hindi na puro gala ang inaatupag, naaasahan na din ng mga magulang nila. Yung kapatid mo naman, sinagot na ni Brianna, ilang buwan din siyang nanligaw at ngayon ay sila na, sobrang saya nga ni Bryan eh iku-kwento niya daw sa 'yo ang mga nangyari kapag dumalaw sila sa 'yo. Hindi na sila nagbalik sa Canada, yung Mommy Beatrice mo kasi... nasa Mandaluyong na, simula noong nagpunta siya sa burol mo ay naging tulala na siya at hindi na makausap ng maayos, palagi kang tinatawag, nagkasakit siya at nawawala na sa sarili kaya dinala siya nila Tito sa mental."
Inilapag ni Brylle ang rose na dala niya.
"Para sa 'yo 'to Love, pinitas ko pa yan sa likod bahay, dun sa itinanim mo. Ang sabi mo kasi eh doon na lang ako kumuha ng ibibigay ko sa 'yo araw araw para hindi na ako gumastos, sobrang lago at maraming bulaklak nung rose, parang alagang alaga mo. Halos isang taon ka na ring wala at miss na miss na talaga kita, yung mga pick up line mo, mga ngiti mo, mga luto mo, ang boses mo at ikaw mismo, miss na miss ko. Unti unti ko nang natatanggap na wala ka na talaga, kinakaya ko kasi alam ko namang hindi mo ako pababayaan, gagabayan mo ako, ilang buwan na lang at ga-graduate na ako, matutupad ko na ang pangarap niyo ng kapatid ko, ikamusta mo na lang ako sa kanya ha, ikaw na ang bahala kay Brenna. Love, itong dala kong rose, pang isang libo na ito, naalala mo ba yung pinag-usapan natin dati? Kapag one thousand na itong bulaklak ay tatanungin kita kung papakasal ka na ba sa akin." Nakangiti si Brylle at inilabas ang maliit na box na may lamang sing sing.
"BRIDGETTE QUERUBIN, WILL YOU MARRY ME?" Sigaw niya at tumingin sa itaas, ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ni Brylle, nagulat siya ng makita niya ang ulap na hugis Y - E at S, hindi siya makapaniwala, naiiyak siya sa saya, alam niyang si Bridgette ang nagpadala ng mensaheng iyon.
"Love, Mahal na Mahal mo talaga ako, naiiyak ako dahil sa saya, h'wag kang mag alala dahil this is my ONE LAST CRY, hindi na ako iiyak ulit kasi masasayang alaala na lang natin ang iisipin ko. I LOVE YOU SO MUCH BRIDGETTE." Nakangiting sabi ni Brylle.
T H E E N D . . .
AUTHOR'S note :
Waahh! Tapos na, nakakalungkot pero ganoon talaga ang buhay. Thank you so much mga ka-DYOSA ❤️ LabLab ko kayong lahat.
ONE LAST CRY
(October 07 - December 30 2019)
@dyessah_dyosa >🎸
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Random[COMPLETED] ✓ "She said she's tired of everything but look at her, she's still fighting." Isang babaeng masayahin sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit at Isang lalakeng may mabigat na problemang hinaharap. Kapag pinag-tagpo sila, matutulunga...