CHAPTER 16
SOMEONE'S POV
Araw ng sabado, hindi muna nagpunta sa mga raket niya si Bridgette para samahan si Brylle papunta sa bahay nila.
"Kinakabahan ako Love." Bulong ni Brylle, nasa harap na sila ng bahay nila.
"H'wag kang kabahan, nandito lang ako sa tabi mo Love." Sabi ni Bridgette sabay pisil sa kamay niyang kanina pa hawak hawak.
"Magandang umaga po, nand'yan po ba si Tita Belinda?'' tanong ni Bridgette, tumango lang ang guard at pinapasok silang dalawa.
"Welcome home po Sir." Sabi pa ni Bernie, ang guard. Naiilang na ngumiti si Brylle.
"Nandito na pala kayo, pasok." Sabi ni Miss Belinda, may bata itong kasunod pero nang makita na may ibang tao ay agad itong nagtago sa likod ng pinto.
Nilingon ni Brylle ang paligid, marami na ang nagbago sa bahay nila.
"Beth, ipaghanda mo sila ng meryenda, tatawagin ko lang ang Sir Baron mo doon sa likod bahay."
"Opo ma'am." Sagot ni Beth
"Kaya mo yan." Bulong ni Bridgette sa kanina pa kinakabahan na si Brylle, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang Daddy niya.
"Totoo ba ang sinasabi mo Belinda? Nandito si Brylle sa bahay kasama ang babaeng sinasabi mo sa akin na nagpunta dito noong nakaraan?"
Malayo pa ay rinig na nila ang malakas na boses ng Daddy Baron ni Brylle.
"Oo nga Baron, kanina ko pa sinasabi sa iyo, paulit-ulit na nga eh." Sabi ng Ginang
Gulat na gulat si Mr. Baron ng makita ang panganay na anak na nakaupo sa sofa, agad itong lumapit, dahan dahang napatayo si Brylle ngunit hindi makatingin sa mga magulang niya.
Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya mula sa Daddy niya, nakiyakap na din ang Mommy niya na umiiyak na.
Tumayo si Bridgette at naglakad patungo sa kusina. "Ate Beth, tulungan na kitang magluto." Sambit niya, ngumiti naman ang katulong bilang pag-sang ayon.
Samantala, sa sala ng mga Melendez.
"Patawarin mo sana kamo anak, hindi sana kami nagpadalos-dalos, matinding emosyon at pangungulila ang nararamdaman namin, maiintindihan namin kung hindi mo pa kami mapapatawad sa ngayon." Sabi ng Daddy niya
"Noong nagpunta ang girlfriend mo dito, ang sabi niya sa akin ay tingnan ko ang mga gamit ni Brenna, baka raw may sign o sulat manlang kung ano ang dahilan at bakit niya nagawa iyon." Sabi naman ng Mommy niya, nakikinig lang si Brylle, hindi pa rin siya nagsasalita.
"Pagdating ng Daddy mo, nagpunta kami sa kwarto ng kapatid mo." Paiyak nang sabi ni Miss Belinda. "Binuklat namin lahat ng gamit niya at sa isang notebook na nasa ilalim ng unan niya, nalaman namin lahat." Tuluyan ng humagulgol si Miss Belinda na agad namang niyakap ng asawa.
"A-Ano pong nalaman niyo?" Utal at mahinang tanong ni Brylle
Kinuha ni Miss Belinda ang notebook at iniabot kay Brylle.
‘ June, unang pasukan pa lanh, na-bully na agad ako. Teacher daw kasi ang nanay ko kaya paniguradong ako daw ang magiging honor, hindi ba pwedeng masipag lang akong mag-aral?’
Marami pa ang nakasulat sa notebook, depressed nga si Brenna kaya niya nagawa iyon, hindi lang niya nagawang mag-kwento dahil ayaw niyang isipin pa ng pamilya niya ang problema niya, ayaw din niyang sabihin sa Mommy niya dahil siguradong magsasabi ito sa punong-guro at kapag nabaliktad ng mga bully ang kwento ay baka maapektuhan pa ang pagtuturo ng Nanay niya.
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Random[COMPLETED] ✓ "She said she's tired of everything but look at her, she's still fighting." Isang babaeng masayahin sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit at Isang lalakeng may mabigat na problemang hinaharap. Kapag pinag-tagpo sila, matutulunga...