CHAPTER 10
BRIDGETTE POV
Nagmulat ako ng mata, nanaginip ba ako kagabi?
Bumangon na lang ako at humarap sa salamin, kukunin ko sana ang suklay ko pero nahagip ng mata ko ang isang pirasong bulaklak na nasa flower vase ko, napangiti ako ng hindi sinasadya. Nilingon ko si Brylle sa higaan niya ngunit wala siya, nasaan na yun e ang aga aga pa.
Habang naglalakad ako patungo sa kusina ay may naamoy ako, sinong nagluluto?
Natatawa ako habang pinagmamasdan si Brylle, nakasuot siya ng apron, may hawak na tong at nagsasayaw sa harap ng kawali.
"Good morning." Sambit ko at nagulat siya, kumakamot sa ulong tumingin sa akin at ngumiti.
"Good morning Tulay, nakita mo ba . . . yun?" Tanong niya na tinutukoy ay ang pagsayaw niya, tumango ako.
"Aisshh... nakakahiya." Bulong niya
"Ang aga mo yatang nagising ngayon at naisipan mo pang magluto, ano'ng nakain mo?" Tanong ko
"Wala naman akong nakain, inspired lang sigurong gumising ng maaga, ganoon yata talaga kapag nagmamahal ka na." Sagot niya
Ibig sabihin, hindi talaga ako nananaginip?
"Pansin ko din, marunong ka ng ngumiti."
"Like i said, gano'n yata talaga kapag nagmamahal ka na, araw araw mo ba namang nakikita at nakakasama yung babaeng nagpapasaya sa'yo e hindi ka pa ba matututong ngumiti?" Sabi niya at pinaupo na ako sa hapag kainan at inihanda na niya ang niluto niyang almusal.
"Kain na tayo." Sabi niya pero habang kumakain ako ay nakatingin lang siya sa akin.
"Akala ko ba ay kakain na tayo? Hindi ka mabubusog ng kakatitig mo sa akin, kumain ka na at baka ma-late pa tayo." Ngiti lang ang isinagot niya.
Sabay kaming pumasok sa school, inabangan kami nila Benj sa may gate ng University.
"Ahmm... Blooming ka yata ngayon Bridges! Ano'ng mayro'n?" Tanong ni Belle
"Ako blooming? Bakit naman ako magiging blooming, maganda lang siguro yung gising ko." Sagot ko
"Eh? Siguro may nangyari kagabi na maganda kaya natulog kang nakangiti tapos paggising mo blooming ka." Sabi ni Brittany
"Si Brylle din, marunong ka naman palang ngumiti, may kakaiba talaga sa inyong dalawa." Sabi ulit ni Belle
"Siguro, dahil kay Brix." Biglang sabi ni Benj, napatingin ako kay Brylle, napaseryoso ang mukha niya.
"Syempre masaya ako dahil kay Brix, binigyan niya ako ng raket eh, kakanta na ako kasama nila, yun lang yun." Sabi ko
"Really? Kailan?" Tanong ni Belle
"Every friday night." Nakangiti kong sagot
"Ngumingiti ka na ngayon ah." Sabi ni Brittany kay Brylle, tumango lang si Brylle.
"Good for you, kapag si Bridges talaga ang kasama mo, mapapabago ka niya, baliw yan eh." Sabi ni Brittany
"Aba teka! Sino'ng baliw? Ako? Sino'ng may sabi at bibigyan ko ng isang daan."
Nagtinginan sila.
"Isang daang sampal." Sabi ko pa at nagtawanan kami.
"Sabi sa 'yo eh." Sabi pa ni Banjo
Araw araw pagdilat ng mata ko ay palaging may pulang rosas sa flower vase ko, bulaklak na nagpapasaya ng araw ko, si Brylle na din ang nagluluto ng agahan namin at h'wag na daw akong tumulong kasi ayaw daw niya na napapagod ako, pagod na nga raw ako sa mga raket ko ay tapos magluluto pa daw ako.
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Random[COMPLETED] ✓ "She said she's tired of everything but look at her, she's still fighting." Isang babaeng masayahin sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit at Isang lalakeng may mabigat na problemang hinaharap. Kapag pinag-tagpo sila, matutulunga...