Chapter 2

198 7 0
                                    

CHAPTER 2

BRIDGETTE POV

"Ay, na-love at first sight yata, ano sis? Bawal kumurap? Kailangan tulala talaga?" Tanong ni Brittany sa akin, agad akong napa-iwas.

"Hindi ako natulala at lalong hindi ako na-love at first sight, parang pamilyar lang siya sa akin." Pagsisinungaling ko, mahirap kasing magpaliwanag sa kanila ngayon, paniguradong kakantyawan nila ako.

"Ay kung ganoon pala, pumasok na tayo, unang araw ng klase e baka ma-late tayo." Tumatawang sabi ni Belle at naglakad na kami papasok ng room.

Nagsuot ako ng bonnet para hindi ako agad makilala nung Brylle na yun, baka nakita niyang malikot ako matulog o kaya ay tumutulo ang laway ko tapos ipagkalat niya dito sa University pero mukha namang tahimik siya at bihira lang magsalita.

-

Tapos na ang klase at balak ko ng umuwi, may mga date ang mga kaibigan ko at wala akong balak sumama ngayon.

"Miss Querubin, sumama ka sa akin doon sa office para dun sa report."

"Yes Prof."

"So, hindi ka talaga makakasama sa gala ng tropa?" Tanong ni Benj

"Gano'n na nga, enjoyin niyo na ang date niyo dahil sa susunod, kasama na ako." Sagot ko

"Tara na guys, walang manggugulo at mang-iistorbo ngayon." Biro ni Banjo at nagtawanan sila, sumimangot ako at kunwari'y nagtatampo.

"Peke yan, kilala namin ang pagkatao mo, hindi ka marunong magtampo, puntahan mo na si Prof. hinihintay ka na oh." Sabi ni Brittany, niyakap nila ako at nagba-bye na.

Sumunod ako sa Professor namin at pumasok sa opisina, ibinigay ko lang ang report na hinihinge niya.

"Salamat dito Miss Querubin, maaasahan ka talaga."

"Walang anuman po, mauuna na po ako." Paalam ko at lumabas na ng opisina.

"Hi."

"Ay palakang malaki!"

Nagulat ako dahil paglabas ko ay may nagsalita sa gilid. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Hinihintay ka." Sagot nito

"Bakit, hindi ka ba makakauwi mag-isa?" Tanong ko

"Makakauwi, pero wala akong susi, ini-lock ko ang pinto baka kasi may magnakaw ng bigas at asukal mo tapos sa akin mo isisi." Sagot ni Brylle

"Ini-lock mo? Paano tayo makakapasok?" Tanong ko

"Wala kang Susi?" Gulat na tanong niya at halos manlaki pa ang mata, umiling ako at napakamot ulo siya.

"Joke! Syempre mayro'n, girl scout yata 'to, laging handa." Nakangiti kong sabi, sinamaan niya ako ng tingin.

"Bawal mag-joke? Sungit mo." Sabi ko at nauna ng naglakad pero may humarang sa akin.

"Hey! Excuse me, you're Bridgette right?"

"Ako nga, why?"

"I'm Billy, I'm new here at pinapatawag ka ng Dean." Nakakunot noo akong tumingin sa kanya.

Bakit ako pinapatawag ng Dean?

"Bakit daw?"

"I don't know."

Nilapitan ko ang Dean na naglalakad sa Hallway.

"Good afternoon Dean."

"Miss Querubin, yung report?"

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon