CHAPTER 11
BRIDGETTE POV
"Ano, tititigan mo na lang ba si Brylle hanggang matapos siyang maglaba?"
"Po? Hindi naman po ako tumititig sa kanya eh nagtitimpla po ako ng kape niyo." Sabi ko
"Gusto mo ng ebidensya?" Tanong ni Tita Betty at may ipinakita sa akin na picture.
"Video, gusto mo ba?"
"Tita naman eh."
''Gusto mo na siya? Mahal mo na rin ba siya?"
"Paano po ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao?" Tanong ko
"Bumibilis ang tibok ng puso mo kapag nagdidikit ang balat niyo, kapag niyayakap ka niya, tinititigan o kahit ngitian lang, masaya ka kapag nakikita mo siya, gusto mo na palagi mong nasisilayan ang mukha niya, palagi mo siyang iniisip at hanggang sa panaginip mo ay nandoon siya."
Tiningnan ko lang si Tita Betty habang nagsasalita siya.
"Ibigay mo na nga sa akin iyang kape ko, lalamig na yan sa kakahalo mo." Sabi pa ni Tita
Inisip ko ang lahat na sinabi niya, mukhang nangyari na lahat sa akin yun.
"H'wag ka ng mag isip, nababasa ko sa mata mo na Mahal mo na si Brylle, kilala kita Tulay kasi dito ka na halos nagdalaga sa apartment ko, simula nung dumating siya dito lahat ay nagbago na sa 'yo, alam mo namang kahit hindi mo sabihin sa akin ay nararamdaman ko, ako ang nagturo sa iyo na bumasa ng tao para alam mo kung ano ang magiging pakikitungo mo, parang anak na din kita, sundin mo ang puso mo, sundin mo kung ano ang magpapasaya sa 'yo, oras na siguro na sarili mo naman ang isipin mo, ibang tao kasi ang madalas na inuuna mo." Sabi ni Tita at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Thank you Tita."
"Walang anuman, ikaw pa ba."
Pagkaalis ni Tita ay nagtungo ako sa kwarto namin, binilang ko ang bulaklak na nasa flower vase ko, 99 pieces na, ang dami na pala at lagpas tatlong buwan na ring nanliligaw si Brylle sa akin.
"Ako ba yung iniisip mo?"
"Ha?" Tanong ko at nilingon siya, tapos na pala siyang maglaba.
"Ang sabi ko, ako ba yung iniisip mo?"
"Assuming ka, paano mo naman nasabing ikaw yung iniisip ko?"
"Nakangiti ka e malamang ako yung iniisip mo."Sabi niya at kinindatan pa ako.
"Halika, magluluto ako ng french fries, yung problema mo naman ang pag-uusapan natin." Sabi niya
"Wala akong problema."
"May sinasabi ang mga mata mo, halika na, parang date na din natin 'to."
"Susunod ako." Sabi ko, dati hindi siya nagsasalita pero ngayon makulet na din siya.
"Tulungan na kitang magluto n'yan."
"Ako na lang, maupo ka na lang, ako na ang bahala dito." Nakangiti niyang sabi
"Gagawa na lang ako ng sawsawan." Sabi ko at kinuha ang ketchup at mayonnaise para paghaluin at gawing sawsawan ng french fries.
"So, ikaw? Ano'ng kwento ng buhay mo? Gusto kong malaman."
"Hmm... Paano ko ba sisimulan? Mag-aanim na taon na akong nakatira dito sa apartment nila Tita Betty, before ay tumira ako sa kalye, pangalan ko lang ang alam ko kaya nung nag aral na ako ulit at nandito na ako ay pinahiram nila Tita Betty sa akin ang apelyedo nila, wala kasi talaga akong alam tungkol sa pagkatao ko eh."
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Random[COMPLETED] ✓ "She said she's tired of everything but look at her, she's still fighting." Isang babaeng masayahin sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit at Isang lalakeng may mabigat na problemang hinaharap. Kapag pinag-tagpo sila, matutulunga...