CHAPTER 5
BRIDGETTE POV
"Sigurado ka bang papasok ka? Ang sabi mo ay masakit ang ulo mo." Sabi ko, umuwi kasi si Brylle nung isang araw na basang basa, wala daw siyang masakyan kaya naglakad na lamang siya kahit malakas ang buhos ng ulan.
"Oo, papasok ako. Uminom na naman ako ng gamot e." Sagot niya bago kami lumabas ng bahay.
Pagbaba namin ng jeep sa tapat ng DON FELIPE UNIVERSITY ay nauna siyang naglakad, humahawak pa siya sa ulo niya at parang may iniinda pero patuloy pa din siya sa paglalakad.
"Good morning Bridgette."
Nilingon ko ang lalakeng nagsalita.
"Good morning Billy."
"Okay lang ba kung sumabay ako sa'yo papasok ng room?" Tanong niya, nginitian ko lang siya sabay sambit ng "Okay lang."
"Bridges!"
"Mauna ka na, pupuntahan ko lang yung mga kaibigan ko." Sabi ko kay Billy, tumango lang siya at naglakad na patungo sa room.
"Ang haba ng hair mo teh! Sabay talaga kayo pumasok ng isang Billy Cortez, ang anak ng may ari ng Cortez Jewelries, iba ka Miss Querubin." Salubong ni Belle sa akin.
"Timang! Nagkasabay lang kami papasok." Sagot ko naman
"Oh ano? Sa Friday night, sasama ka na?" Tanong ni Brittany
"Saan?"
"Malapit lang, tutugtog ang favorite band natin, Game ka ba?" Tanong ni Benj
"Game ako d'yan pero uuwi din ako agad, Saturday kinabukasan, busy ako every Saturday, Alam niyo yan. Baka naman nakakalimutan niyong ako si Miss Bridgette Querubin, ang dakilang raketera ng taon, and I thank you." Sabi ko na tila nagpa-pageant, pumalakpak naman ang mga baliw.
"Ayunnn, babawi na siya." At nag apir pa silang magjo-jowa.
"Sinong isasama mo sa tatlo?" Nakangiting tanong ni Banjo, bahagyang napakunot ang noo ko.
"Tatlo? Saan isasama?" Tanong ko na nakakunot noo pa din.
"Sa Friday, ikaw lang ang walang date. Sino ba sa kanila? Si Benedict na crush mo? Si Billy na mukhang malagkit ang tingin sa'yo o si Brylle na mukhang seryoso pero parang mabait naman." Tanong ni Banjo
"Kailangan ba talaga e may kasama? Pwede naman akong maging pambansang third wheel niyo habambuhay eh." Biro ko
"Iba pa rin kapag may kasama Bridges." Sabi ni Belle
"Kung sakali lang, Sino sa kanila?" Tanong ni Brittany
"Pwede bang silang tatlo na lang?"biro ko at umugong ang tawanan sa pwesto namin, ganito talaga kami kagulo kapag nagkikita-kita kami.
"Iba ka talaga Miss Tulay."
"Teka! Ano bang iniisip niyo? Isasama lang naman at hindi jojowain." Sabi ko pa
Napatigil kami sa pagtatawanan ng may nagkagulo sa kabilang building. "Anong mayro'n?"
"Baka may away." Sagot ko
May dumaan na isang estudyante kaya nagtanong si Benj.
"Anong nangyayari na?"
"May isang estudyante kasi, biglang nahimatay at ang taas ng lagnat niya." Sagot ng lalake
"Si-Sino daw?" Tanong ko
"Si Melendez." Sagot niya
"Nasaan siya?" Tanong ko agad, natawa ang mga kaibigan ko dahil nagtanong ako na parang nag aalala, feeling jowa daw ako.
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Random[COMPLETED] ✓ "She said she's tired of everything but look at her, she's still fighting." Isang babaeng masayahin sa kabila ng kanyang pinagdadaanang sakit at Isang lalakeng may mabigat na problemang hinaharap. Kapag pinag-tagpo sila, matutulunga...