Chapter 14

99 4 0
                                    

CHAPTER 14

BRIDGETTE POV

"Totoo ba yung sinabi ni Bridges, Britt?" Gulat pa ring tanong ni Belle, tumango lang si Brittany.

"Ang tagal na natin siyang kasama, halos mag-iisang taon na nga eh tapos hindi mo sinasabi sa amin, muntik ko pa nga'ng isipin noon na may gusto ka sa kanya kasi madalas kong makita na tinitingnan mo siya."

"Sorry Belle, mahabang kwento kasi eh, hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo kasi mahirap ipaliwanag, galit kami sa kanya at yung rason ay family problem, pinsan ko siya, kapatid ni Daddy ang Mommy niya." Sabi ni Britt na naiiyak na.

"Pasensya na, nagulat talaga ako." Sabi ni Belle

"Nagulat din ako na alam mo na Tulay, balak ko na talagang sabihin sa inyo kaso natatakot ako lalo na at nandito na ang madaldal kong kakambal." Sabi niya, niyakap na lang namin si Brittany.

Naiwan kami ni Brittany sa tambayan dahil tinawag ni Prof. Bea si Belle.

"Galit ka pa rin ba kay Brylle? Wala siyang kasalanan Britt, kusang tumalon si Brenna." Sabi ko, tiningnan niya lang ako.

"May pruweba ako." Sabi ko at ipinanood ang kuha kong video.

"Paano mo nalaman na pinsan ko si Brylle?" Tanong niya

"Tinanong ko siya kung magkakilala ba kayo, palagi mo kasi siyang tinitingnan tapos dati narinig ko na sinabi mo sa kanya na “Ngumingiti ka na ngayon ah.” parang iba ang dating sa akin kaya tinanong ko siya at ikweninto naman niya, paborito niyo raw kasing pinsan si Brenna kaya ganoon na lang ang galit niyo sa kanya."

"Hindi kasi talaga kami makapaniwala, sobrang bata pa niya, nakakagulat ang nangyari."

"Naalala mo noong may pinuntahan kami ni Brylle? Nagpunta kami sa sementeryo, dinalaw namin si Brenna kasi palagi niyang napapanaginipan at palaging sinasambit ang pangalan ng kapatid niya kahit tulog siya, na-curious ako at nagtanong at ayun nga, isinama niya ako sa sementeryo. Hindi ba't galing ako sa Manila kahapon, pumunta ako sa bahay nila at ipinakita yan sa Tita mo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng Tita Belinda mo pero ang mahalaga ay nalaman nila ang totoo, walang kasalanan si Brylle sa pagkawala ni Brenna."

"Salamat Bridges at sorry din. Masaya ako at kahit papaano ay bumabalik na ang dating sigla ni Kuya Brylle, salamat sa 'yo." Sabi ni Brittany at niyakap ako.

"Ay! Ang drama mo naman sissy twinnie, may payakap ka pansa girlalo na itech." Biglang sumulpot si Brianna sa tabi namin.

"Shut up! H'wag ka nga'ng mangialam." Bulyaw nito sa kakambal niya, inismiran lang siya ni Brianna.

"May pinapasabi ang Kuya Byron, salamat daw." Sabi ni Brittany kay Brianna

"Eh ang Daddy?" Tanong pa nito, hindi agad sumagot si Brittany.

"Ay I'm sure galit siya."

"Hindi, kung gusto mo daw umuwi, magpunta ka na lang sa bahay basta h'wag mo lang daw siyang bibigyan ng sakit ng ulo."

"Ay never kong bibigyan ng sakit ng ulo ang Daddy."

"Anong never? Binigyan niyo na nga ni Mommy 'di ba?" Masungit na sabi ni Brittany sa kakambal.

"Dati pa yun, hindi na ngayon. Kung alam mo lang ang dahilan." Iiling iling na sabi ni Brianna

"Love, uuwi na ba tayo?" Tanong ni Brylle na kakarating lang kasama na si Benj, Banjo at Belle.

"Girlfriend mo siya Kuya? Ikaw yung tinutukoy niya na nagpunta kahapon sa bahay nila? Ang ganda ni Tita Belinda 'no?"

Tumango ako.

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon