10

19 10 0
                                    

Kiseki's pov.

[WINTER]

[1 week pass]

Haysttt... sobrang hirap ng mga araw na 'to saakin ah, ang lapit na kasi ng debut ko— I mean, debut ni Kiseki Chavez, not me! Dahil ang debut ko tapos na at ang birthday ko ay February 28. Nakaka-lungkot nga eh kasi hindi mararanasan ni Kiseki Chavez na mag-debut.


Natigilan ako sa paglakad ng maramdaman ang brasong naka-patong sa balikat ko. Ang bigat!


With bored eyes, niligon ko kung sino man yung baboy na nag-patong sa balikat ko pero yung instict ko, mali! Kala ko si Cyler pero iba pala.



"Hi, Kiseki!" Maligayang bati ni... Opps 'di ko kilala, pero kaklase ko 'to! "Grabe ka naman! Porke sikat ka, hindi mo ako kilala na kaklase mo pa ah!" Sabi niya sabay halukipkip. Mukha naman siyang mabait... yes, gwapo siya pero mas gwapo si Cyler at mukha itong babaero— shetttt erase erase!



Ngumiti ako. "Sorry. You are?" Tanong ko.



"Angelo Sevilla." Wika niya sabay extend ng kamay. Lumayo ako ng unti para tanggapin ang kamay niya pero kakatanggap ko lang noong matanggal ito nang may dumaan sa pagitan namin.


"Oh. Hi, Kiseki!" Ang lapad ng ngiti ni Mika. Halata namang galit siya saakin eh! Plastic ka ghurrrlll?!

Ngumiti nalang ako sakanya pabalik para walang away.


—————

Hayst, bakit kaya wala si Cyler? Nagle-lecture si Prof namin pero ako, titig na titig sa sa upuan niya. Tsk!


Yumuko ako at kinuha mula sa bag ko ang phone ko.


To: Ate Cyler ;)

-uyyyy ba't wala ka? Wala ako kasama... huhuhu, siguro pag-uwi ko marami na akong pasa! Good luck saakin, sana wag saniban si Mika ngayon.


Agad ko rin'g ibinalik ang phone ko sa bag ko dahil baka mahuli ako. No phones allowed eh. Pumihit ang ulo ko ng mapag-tantong may naka-titig saakin. Nakooo serrrr, nakatingin saakin si Mika!

Okay focusss hayaan natin siya dapat i-analyze ko ang mga bagay bagay na nangyayari sa buhay ko.


Nang mamatay ako sa totoo kong katawan ay February 28... noong nag-debut ako. Na katapusan ng Winter. Sumunod sa Spring na, napunta naman ako sa Spain. Kiseki rin ang pangalan... gusto ko mang hanapin yung matandang yun... hindi ko magawa dahil nasa ibang bansa ako. Nalunod ako sa swimming pool kaya ako namatay. Sumunod naman, Summer. Napunta ako sa babaeng Kiseki rin ang pangalan pero nasa isa siyang hospital dahil may sakit. Grabe! Sobrang hirap na hirap ako niyan! Hindi ko din nahanap yung matanda dahil nga lagi ako nasa-hospital. Namatay din ako dahil sa sakit niya. Ika-tatlo naman ay nung sa Autumn, namatay ako dahil sa over-fatigue! Haneppp pappsss! Para akong katulong nun! Nasa bukid kami at puro utos ng utos yung mga magulang ko dun! At hindi ako nag-karoon ng time kung paano hanapin yang lintik na matanda na yan. Kaya ayun dahil mataba at nahihirapan, na tigok! At ngayon January 22 na malapit nanaman ang February 28 kung saan mamamatay ulit ako kaya hanggang mayaman ako ngayon kailangan kong mahanap yung matandang yun! Oo tama!


"Haaa" halos pabulong kong sabi ng may kamay na bigla nalang lumapag ng padabog sa harap ko.


Tiningala ko ito, pero hindi tulad kanina na mali ang instinct ko... ngayon tama ito, at nasa harap ko nga si Mika. Ano ba kasing gusto nito? Hindi ako malubayan eh!


"Nasaan yung boyfriend mo?" Tanong niya. Bakit sino ka ba para tanungin ako, ha?!


"H-hindi pumasok. May sakit." Malumanay na bigkas ko. Hindi ko naman talaga alam kung nasaan si Cyler eh, sinabi ko lang na may sakit para tapos na.

Ayokong makipag-away. Nakaka-inis kahit anong gusto kong lumayo sa gulo, yung gulo naman ang lapit ng lapit saakin!



Tumawa siya ng bahagya. "So, hindi mo itatanggi, Boyfriend mo nga." Bigkas niya ngunit hindi sa tonong nag-tatanong kumbaga may assurance lahat ng iyon.


Hindi ko siya kinibo at bahagya kong kinuha ang libro sa baba ng silya ko.


"Hoy!" Sigaw niya saakin kaya nilingon ko siya.

"Bakit?" Malumanay parin ang pag-bitaw ko sa mga bawat salita.


"Sobraaaaa! Naiinis ako sayooooo!" Sigaw niya ng harap harapan saakin. Taena gusto ko tumawa pero wala ako sa sitwasyon na may mag-liligtas saakin eh. Paano ba naman kasi? Sumigaw siya hindi niya inisip kung bagay ba niya. Kulang nalang tumalsik laway niya eh!


Iginilid ko ang libro na inilabas ko kanina kasabay ng pagtayo ko. Kase naman dahil naka-upo ako feel na feel niyang tumingin saakin na parang ang baba-baba ko, eh mas matangkad naman talaga ako sakanya eh.


"Ano namang ikaka-galit mo saakin?" Tanong ko sakanya.


Sasampalin niya sana ako sa hindi ko alam na dahilan ngunit natigil siya dahil dumating ang prof namin.


"Humanda ka saakin mamaya." Pagbabanta niya saakin habang tinuro pa ako bago siya tuluyang umalis sa harap ko.

Hirap naman maging maganda! Habol ng habol ang mga lalaki sayo tapos kapag nakita yun ng ibang girls magagalit kasi, kesyo malandi ka, ganun? Hayyy nakoo! Gusto ko nalang tuloy bumalik sa Kiseki'ng nasa Spain kung saan... marami siyang friends, walang galit sakanya dahil cool nga daw siya.


Nang mag-ring ang bell, agad akong tumayo. Uuwi na nga din lang ako. Hindi na din ako papasok hanngang hindi pumapasok si Cyler. Hay nakooo, Kiseki! Nagiging dependent kana sakanya!


Habang naglalakad sa hallway napag-desisyonan kong tiganan ang phone ko malay mo baka may text si Cyler, diba? Naka-silent eh kaya hindi ko alam.

Bago ko pa mabuksan ang phone ko ng may tumulak saakin kaya nahulog ako sa sahig.


Nilingon ko si Mika ng mabilis niyang pinulot sa sahig ang phone ko. Agad akong tumayo para kunin sana yung phone ko ng ihulog niya ito. Taena nasa third floor ata kami!

Ngumiti siya kasabay ng pag-lapit niya. Tinulak niya ako pero nag-matigas ako kaya hindi niya ako napa-galaw kahit ilang inch lang.


"Ahhhahaahha" tumawa ito ng mapagtanto niya kung ano ang ginawa ko. "Nag-mamatigas ka ah." Sinapak niya ako. Hindi din ako magtataka kung mamaya makikita ko sa salamin na may bakat ng kamay dito sa mukha ko dahil sobrang lakas eh!



Hinawakan ko ang pisngi kong sinapak niya. Sapak hindi sampal, besss!


"Ano ba kasing problema mo?!" Sigaw ko sakanya. Hindi ko na kailangang pigilan ang pagkainis ko dahil sa ginawa niya. Pisikalan na eh!

Humakbang papalapit saamin ang dalawang kasama ni Mika.

"Anong ginagawa niyo sakanya?" Napalingon kami pare-pareho ng makita si Angelo. Hinila ko ang tali ng buhok ko dahilan para lumatay ang hibla ng buhok sa mukha ko at matakpan ang pisngi kong namumula.

Winter [Kiseki] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon