11

18 6 0
                                    

Kiseki's pov.

[WINTER]

(Continuation)


"Anong ginagawa niyo sakanya?" Napalingon kami pare-pareho ng makita si Angelo. Hinila ko ang tali ng buhok ko dahilan para lumatay ang hibla ng buhok sa mukha ko at matakpan ang pisngi kong namumula.

Agad napa-kagat labi si Mika, hindi dahil nang-aakit siya ha! Kundi pinipigilan niya yung galit niya.


Hindi nag-salita si Mika at ganun din ang dalawang kasama niya. Ilang segundo lang at humakbang na sila paalis saakin.


Taena!!!!! Hindi naman sa gusto ko ng away pero grabe! Grabe talaga! Pagkatapos akong sapakin aalis? Hindi manlang ako nakaganti!


"May ginawa ba sila sayo?" Tanong ni Angelo habang sinusuri niya ako. Umiling nalang ako para wala ng explanations. "Napulot ko pala sa baba, nahulog mo ba? Buti nakita ko yung mukha mo na wallpaper nitong phone." Sabi nito sabay lahad ng phone ko. May malaking basag ito sa screen pero dahil din siguro sa hard case niya hindi pa siya nasira ng tuluyan.


Ngumiti ako ng napaka-lawak. "Salamat at ikaw ang naka-pulot. Nabitawan ko eh." Pagsisinungaling ko. Wala naman na kasing mababago kahit malaman niya na sinaktan ako nila Mika. Isinuksok ko sa bag ko ang phone ko ng hindi ko na binuksan. "Salamat, una na ako ah." Sabi ko kasabay ng pagalis ko hindi narin niya ako pinigilan.



Pupunta nalang muna ako sa cafeteria para bumili ng tubig.

Nang makarating ako sa cafeteria hindi nakapagtataka kung ano ang pagtingin nila saakin mula ng mag-transfer ako ganun parin.

"Salamat po." Sabi ko doon sa tindera ng ibigay niya ang carbonara, tubig, at cake. na binili ko. Ang sabi ko tubig lang, anyare saakin? Sinapian nanaman ako ng patay gutom na kaluluwa eh!


Napatikhim ako ng masulyapan ko hindi kalayuan sila Mika, nakangiti siya saakin. Puta talaga!

Tuloy tuloy akong naglakad at hindi pinansin ang creepy niyang ngiti.


Focus. Ilang hakbang lang lilipas din ang nga titig nila.



*blagsss*

"Aish!" Hinawakan ko ang tuhod ko. May sugat ito. Sinasabi ko na eh! Nagkalat sa damit ko ang icing nung cake, pati narin ang sauce nang carbonara. Buti na nga lang naka-sealed yung bottled water ko.


"How foolish. Maganda nga, tatanga-tanga naman." Rinig kong wika ni Mika. Kakarinig ko sa boses niya at kakalapit niya saakin ngayong mga nag-daang araw... kabisado ko na ang boses niya.


Lahat sila nag-tawanan dahil sa nangyari saakin. Pati mga taong nanunuod tumatawa din, kinukunsinti at hindi iniisip kung sila rin ang nasa posisyon ko.


Kinagat ko ang labi ko para pigilan maiyak. Wala ako sa sitwasyon para umiyak.

Tumayo ako kasabay ng pagkuha ko sa tray na pinaglalagyan ng pagkain ko kanina.


Natigil ang lahat ng bigla kong hinampas sa braso si Mika gamit ang tray.



"Sawang sawa na ako sayo. Hindi ako gumaganti sa lahat ng ginawa mo saakin dahil gusto ko ng walang kaaway. Pero iba na eh." Mahinahon kong biglas kahit sa totoo lang nanginginig na ako sa galit, kahit sa totoo lang gusto ko na siyang paghahampasin pa gamit nitong tray.


Galit na galit akong binalingan ni Mika. Hawak hawak naman niya ang braso niyang pinalo ko.


"Walang hiya ka!" Sigaw ni Mika saakin.


Winter [Kiseki] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon