1

63 9 0
                                    

Kiseki's pov.

[winter]

Ang sakit ng ulo ko. I took a deep breath as I opened my eyes.

"Ms. Kiseki?!" Tanong ng isang babaeng bumungad sa paningin ko.


"Ma'am Vienna!" Sigaw pa nito at agad namang may pumasok sa mamahaling pintuan ang isang mala anghel na babae.


"What is it?" Tanong nito kasabay ng pagkalaki ng kanyang mata ng magkasalubong ang aming mga mata.


"Kiseki, darling?" Wika nito kasabay ng paglapit niya at yakap niya saakin.

I don't know why but I felt a tears cascading in my cheeks. I'm crying? I don't even know where I am? Who are they?


"Manda... call the doctors!" Sigaw ng magandang babae sa babaeng nag-tawag sakanya.


Nang dumating ang mga doctors marami silang ginawa saakin na pagsusuri... marami silang sinabi doon sa Ma'am Vienna na mama ko ata?

Marami silang sinabi na rason kung bakit 1 buwan akong nakalatay dito dahil may matindi akong sakit (hindi ko alam kong anong sakit yun.. wala akong pake eh. ALAM KO NAMAN ANG TOTOO.) dami nilang sinabi kung bakit bigla nalang akong nagising.


------

"Kiseki?" Napalingon ako kay Ma'am Vienna.

"Bakit po?" Tanong ko.


"I know you lost your memory but please, call me mommy." Wika nito kasabay ng pagpatak ng luha niya at yakap saakin.


"Sige po." Wika ko kasabay ng ngiti ko.... pero ilang taon na kaya ako? Kinalas niya ang yakapan namin at tinitigan ako ng may ngiti sa mukha.


"Wanna ask something? You look bothered." Saad niya.


"Mommy" tawag ko kaya mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya. "Ilang taon na po ako?"


"17 and you're turning 18... two month nalang." Nakangiti niyang sagot pero agad ding sumilay ang lungkot sa mga mata niya.

"Bakit po?" I asked



"I just feel guilty... wala akong ginawa sa buhay ko kundi ang mag-trabaho... mag pasok ng pera para saatin kahit madami na at sapat na sa ating dalawa... pinabayaan kita, wala akong oras sayo..." saad niya sabay pahid sa mga luha niya.

"Dalawa? nasaan po si daddy?" Tanong ko.

Natawa siya ng mahina.. "Oo nga pala... you lost your memory... your daddy is already dead... pinag-bubuntis palang kita." Saad ni mommy sabay haplos sa buhok ko... ang ganda niya talaga!

"By the way darling, Gusto mo na bang bumalik sa school o dito ka muna sa bahay para makapag-pahinga? Kung gusto mo, kukuha ako ng tutor mo para maka-catch up ka sa lessons niyo." Wika niya sabay yakap ulit saakin.


Bumitaw ako at ngumiti.. "Mommy hindi niyo na kailangan na kuhanan ako ng tutor... I can handle it.." Wika ko na ikinabago ng timpla ng mukha ni mommy.


"How can you handle it?.." wika ni mommy. F*ck!!!


Tumawa ako ng mahina... "Kaya ko naman pong mag-basa nalang ng mga libro, I guess. Hahahaha... I think I can handle my self... basta hindi po ako ipre-pressure ng mga lecturers ko... I miss school, already." Wika ko sabay puppy eyes.. hahaha ganito ginagawa ko dati eh.


"Alright... kaka-usapin ko ang dean ng school niyo." Wika ni mommy sabay haplos sa pisngi ko.


------

Hayst... dalawang araw na akong naka-tambay dito sa bahay! Ang laki laki pa naman ng bahay na 'to... dadalawa lang kami ni mommy Vienna pero ang laki talaga... millionaire ang peg ko ngayon! At ang ganda ko rin!

Napalingon ako sa bintana.. hindi ako makalabas ng bahay.

Gusto ko ng popsicle..

Lumabas ako ng kwarto ko sabay punta sa kusina... at agad sumilip sa refrigerator, putek...walang popsicle!

Labas kaya ako?

Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa pintuan ng maka-rinig ako ng boses mula sa likod ko. Napa-lingon ako ng mahinahon.



"Ms. Kiseki, saan po kayo pupunta?" Tanong ni Manda, kasambahay dito.


"Ahha, p-punta lang sana ako sa garden, bakit hindi ba pwede?" Tanong ko sakanya kasabay ng pagbigay ko sakanya ng napaka-tamis na ngiti.



"Ah eh, pupwede naman, Ms. Kiseki... pero basta huwag po sana ninyong isipin na takasan ako doon. Ako po malilintikan kay Ma'am Vienna." Wika niya kasabay ng pag-tango ko to assure her... pero syempre tatakas ako.


----

Hayst ang ganda ng mga bulaklak dito. Ang vibrant nung mga kulay nila. Agad akong umupo para magka-pantay kami ng isang napaka-liit na bulaklak... agad kong inamoy ito, ang bango!


Tumayo agad ako ng mapag-tantong wala ng naka-tingin saakin. Lumingon ako sa kanan at sa kaliwa para siguraduhin. Napangiti ako ng napaka-luwag nang wala talaga.


Pumatong ako sa isang paso na walang kargang halaman na itinaob ko kanina habang ang kamay ko ay naka-hawak sa bakod.



"Yes" bulong ko sa sarili ko ng maka-sampa ako sa bakod. Lilingon sana ako sa likod ko ng bigla mali ang nahawakan ko... whaaaa! Mamamatay uli ata ako!!!




Napa-pikit ako pero agad din nag-buka ang mga mata ko dahil imbis na matigas na lupa ang pag-babagsakan ko... ay para akong lumulutang habang may naka-hawak sa likod ko at sa mga binti ko.


Isang napaka-tamis na ngiti ang bumungad saakin.



"Hi. Long time no see, Kiseki."

Winter [Kiseki] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon