15

24 11 0
                                    

Kiseki's pov.

"Mukhang 'di talaga nakakalimutan ng aking anak ang kanyang nakasanayan ah." Naka-ngiting bati ni Ma'am Vienna nang maka-upo ako. Salo-salo kami ngayong gabi dito sa hapag-kainan. Mukhang ako nga lang ang hinintay nila.

Tumikhim si Cyler sa narinig. Tinignan ko siya ng masama dahil napagusapan na namin kanina na huwag na niyang banggitin kay Ma'am Vienna ang nangyari.


"Darling, do you want to start your horseback riding lessons again?" Tanong ni Ma'am Vienna.


"Hmm, kayo pong bahala." Wika ko habang may ngiti sa labi pero agad din'g napunta ang paningin ko ng i-serve ng maid nila ang pagkain ko.


"Mukhang gutom na si Kiseki." Natatawang sabi ni Tita Dianne ng mapansin niyang hindi ko ma-alis alis ang aking paningin sa nakakatakam na pagkain.

Tinignan ko siya kasabay ng pagtawa at pagtango ko.

————

"Talagang magho-horseback riding ka pa?" Napalingon ako sa nag-tanong na si Cyler.

It was early in the morning at nandito ako sa veranda ng bahay nila Cyler. Yes, nandito kami sa bahay nila sa may Cebu kahapon pa dito din kami nag-horse back riding kahapon. Base sa nabasa kong diary ni Kiseki, hindi siya dito nag-aral kung paano mag-patakbo ng kabayo pero dahil nga malawak ang lupain nila Cyler at may mga alaga silang kabayo... dito na kami tumuloy.

"It was my Mommy's want." Sagot ko kasabay ng pag-simsim ko sa gatas na hawak ko.


"She wants that because you never told her what happened." May diin ang kanyang pananalita.


Hinarap ko siya. "I can handle it."



"Sure." May panunuya ang kanyang pananalita. Nakaka-inis!


—————

"Darling beat it!" Sigaw ni Ma'am Vienna mula sa malayo habang ako ay nakasakay na sa kabayo. This is the second time na sasakay ako at mag-papatakbo ako ng kabayo pero wala na akong nararamdaman na kaba kahit na kamuntikan na akong mapa-hamak kahapon.


"Of course, Mommy." Sagot ko habang may malapad na ngiti sa labi pero agad din akong napalingon kay Cyler ng umubo ito.


"Race?" Suhesyon ko sakanya. He look at me and raise his eyebrow but didn't say a thing.

Dahil hindi siya sumagot tumingin na ako sa harapan ko at bahagyang sinusulyapan ang kabayo.


"Ate Kiseki" titingin sana ako sa tumawag saakin ng makita kong palayo na sila Ma'am Vienna habang nag-tatawanan.

"Ate?" Agad napukaw ang aking pansin ng tawagin ulit ako ng bata na nasa baba lang at malapit saakin.


"Bakit?" Tanong ko sakanya habang naka-ngiti.


"May tumawag po sa phone niyong naka-charge eh, hindi ko alam kung bubunutin ko para dalhin dito." Malapad ang kanyang ngiti. Natawa ako ng bahagya sa kanyang sinabi.


Winter [Kiseki] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon