13

15 11 0
                                    

Kiseki's pov.

Napaharap ako sa kaliwang direksyon ng kama ko. Natatakot, nagtataka, at hindi ko na alam ang gagawin ko. Maniniwala ba ako sakanya?

Bumangon ulit ako sa kama at agad ding dumapa. Hindi ako makatulog. Rinig ko din ang bawat pagpihit ng oras.


"Sino ka?" Nang makarating ako sa lumang bahay yan ang katagang bumati saakin. Luminga-linga ako pero wala akong makita. Nasaan siya?


"Uhm, hello?" May takot man pinigilan ko ito... kailangan kong lakasan ang loob ko.


"At ano namang kailangan mo saakin, at nandito ka sa bahay ko?" Napalinga ulit ako pero tulad kanina, bigo ulit.

"Ako 'to, si Kiseki Hernandez nasa katawan ako ngayon ni Kiseki Chavez. Kailangan ko ang tulong mo." Ani ko kahit hindi ako sigurado kung tama ang pinuntahan ko kung siya ba talaga ang makakatulong saakin.

"Kiseki? Buti at nahanap mo ako." Sabi nito na tila ba nasa malapit na siya saakin dahil ang boses niya ay mas malinaw na.

"Please lumabas kana! Kailangan ko ang tulong mo!" Sigaw ko. Sinadya kong sumigaw para ipakitang matatag ang aking loob.

"Kakayanin mo ba ang kapalit na hihingiin ko kapalit ng tulong na hinihingi mo?" Mabilis ang kanyang pagsabi sa katang iyon. Agad akong napalingon sa harap ko at nakita ang isang matandang nakangiti ng sobrang lapad.


Sa totoo lang, sobrang natatakot ako sa kahit anong hilingin niya. Naka-kuyom ang dalawang palad ko para doon ibuhos at hindi mahalata na sobrang sobra na ang takot ko at gustong gusto ko nang maupo sa sobrang kaba.


Napaupo ulit ako sa kama ng hindi parin makatulog. Agad kong kinuha sa side table malapit sa lamp ang aking cellphone. Buti na nga at hindi napansin at hindi ako nahuli ng matandang yun na nire-record ang lahat ng aming pag-uusap.

Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong napakinggan at iniisip kung may hidden message ba ang matanda sa kanyang mga sinabi saakin.

Pumunta ako sa lalagyan ng mga voice records at agad i-plinay ang napag-usapan namin.


""Kakayanin mo ba ang kapalit ma hihingiin ko kapalit ng tulong na hinihingi mo?"

"Ano po ba ang inyong hihingiing kapalit?"

"Pero bago tayo tumuloy sa aking gusto... sigurado kana ba dito?"

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Sigurado ka bang ikaw si Kiseki Hernandez? O mali ang lahat ng iyong naa-alala?"

Agad kong i-pinause sa bandang yan, hindi ito ang unang beses na nag-kunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Ano bang akala niya, makakalimot ako sa lahat ng nangyari?

Bumuntong hininga ako bago ipinagpatuloy ang pakikinig.


"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko kailangang ipaliwanag at ipaintindi sayo ang lahat dahil ikaw, ang sarili mo, malalaman mo ang lahat kung ikaw ba talaga si Kiseki Hernandez o isang ligaw na kaluluwa lang."


I-pinause ko ulit. Ano nga bang gusto niyang ipa-intindi saakin? Naalala ko ang lahat at ramdam ko ang pagmamahal ko sa tunay kong mga magulang kahit meron sa parte ko na nangungulila kay Ma'am Vienna.

Nalalapit na din talaga ang debut ko- I mean, debut ni Kiseki Chavez... hindi ko alam kung anong magiging desisyon ko. Kailangan kong malutas 'to para kung sakasakali maaari ko din siyang mailigatas.


Huminga ako ng malalim kasabay ng pag-play ko sa voice record.


"Mukhang alam mo na nga katulad ng alam kong hahanapin mo ako at hihingi ka ng tulong."


"Bakit mo alam na hihingi ako sayo nang tulong?"


"Dahil hindi matatapos ang sumpa mo kung hindi mo ako hahanapin. Ako at ako lamang ang nakaka-alam."

Hearing her evil yet mysterious laugh makes me shiver.


"Kung gusto mo talagang matapos ito, patayin mo ang pinakamamahal at pinaka-importanteng tao sayo gamit neto."

I-pinause ko ulit sa bandang iyan, hindi ko alam kung sino ba talaga ang tinutukoy niya. She gave me a swift knife. Kaya ko bang patayin ang taong mahal ko? Tanga ba siya? Ipapa-patay niya saakin ang taong mahal ko... eh kahit hindi ko kilalang tao ang ipapatay niya saakin siguradong hindi ako magiging masaya hindi ako magiging tahimik... magiging meserable lalo ang buhay ko. Kakainin ako ng konsensya ko at ayaw kong mangyari yun para lang mag-stay dito sa katawang 'to at makasama si Ma'am Vienna at makalapit na ako kay Mama at Papa. Hindi ko talaga kaya.

I-plinay ko ulit.

"Ha?! You think I'm a fool? Hindi ko yun gagawin. At kung gagawin ko man sino?"


"Ikaw din ang may alam niyan dahil ikaw ang nakakaramdam. Ayaw mo yun sayo na ang katawan ni Kiseki Chavez, sayo na ang nanay niya, ang buhay niya, makakalapit ka na din sa tunay mong magulang at hindi mo kailangan pang lumipat."

"Ha?! So kailangan ko talagang patayin ang mahal ko at pinaka-importante saakin para lang mag-stay ako dito? Does it mean, patayin ko yung sarili ko? Paano ako mananatili dito kung papatayin ko ang sarili ko. Dahil sarili ko lang ang mahal ko, ang sarili ko ang pinaka-importante para saakin."

Well, I feel like I uttered really different! It felt like it was a lies... because I knew it wasn't me who I love the most, It is not my Mama and Papa even Ma'am Vienna because I love them fairly walang mas mahal ko ng sobra sakanila.


"Don't lie young child. Pwedeng hindi mo pa napapansin pero kalaunan mararamdaman mo din at malalaman."

Pagkasabi niya nun agad kong pinatay ang voice record because it was the end of our conversation, the whole next minutes were just a dead air, with the sound of a ticking big wall clock and a mixture noise from the crickets.

Winter [Kiseki] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon