19

19 5 0
                                    

Kiseki's pov.

Finally! Umupo ako ng maayos sa waiting area. Hindi na ako lalabas para doon hintayin ang sundo ko at mas lalong hindi na ako mag-lalakwatsya baka makita pa ako o makita ko pa si Aiden.

Nilagay ko sa tenga ko ang earphone na nasa bulsa ko at agad pinatugtog ang kauna-unahang playlist. It was made of sad songs I have here.

(Playing; Wrong Direction by: Hailee Steinfeld)

Napatapik-tapik pa ako sa hita ko habang sinasabayan ang kanta at napapa-pikit pa.

Natigilan ako ng biglang humina ang kanta at biglang lumabas ang ring tone ng phone ko.

"Uyyy Kiseki!" Napalingon ako sa tumawag saakin at expected si Mika and Friends nanaman.

Binaliktad ko ang phone ko sa hita ko para hindi nila pakielamanan at hindi nila makita kong sino man iyon.

Tumabi kaagad saakin si Mika kaya umusog ako at inilagay ko ang bag ko na maliit sa gitna namin. Baka matabig ko pa ang balat niyang may germs 'yan pa'ng ika-matay ko.

Biglang tumigil ang pagtunog ng ring tone ko ibig sabihin ibinaba na ang tawag.

"Ahyyy nag-iinarte!" Pabebeng sabi nung isang friend ni Mika na laging naka-bangs na nasobrahan ang haba, pati mata natatakpan.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paglitaw ng ngiti.

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko ng mag-ring ulit ito.

Muntik na akong mapatayo sa gulat ng biglang alisin ni Mika sa isang tenga ko ang earbud.

"Bakit hindi ko na kayo nakikitang mag-kasama n'ong best friend mo?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot at kinuha sa kamay niya ang tinanggal niyang earbud ko na nasa kanan at agad isinuksuk.

"Ahy talagang bastos." Sabi naman ni Wena, siya lang kilala ko sa tropa ni Mika. Para walang mahabang sasabihin, Mika and Friends nalang.

Nag-papatuloy padin ang pag-ring ng phone ko pero dapat, chill lang para hindi halata.

"Ano ba'ng pinapakinggan mo?!" Medyo tumaas ang boses ni Mika sabay hablot ulit sa earbud ko.

Bago niya pa mailapit sa tenga niya, pinigilan ko ang kamay niya. Mahigpit ang hawak ko sa wrist niya kaya napa-kunot noo siya.

Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa wrist niya kaya agad kong hinablot ang earbud at tinanggal nalang ito at binulsa kasama ang phone ko... hindi pa rin tinitignan kong sino ba 'yung tumawag ng paulit-ulit.

"Aba! Ang lakas ng loob! Mag-isa kalang, wala na ang taga pag-ligtas mo!" Sigaw ni Mika at humalukipkip pa. Agad pumunta sa harap ko ang tropa niya at humalukipkip din.

Napa-buntong hininga ako. "Hindi kayo maganda sa mata," wika ko at inirapan sila.

Ramdam ko ang pagkainis nila habang sabay-sabay nilang pinapadaus-dos ang mga daliri nila sa kani-kanilang buhok.

"Alam mo ang yabang mo!" Sigaw nung naka-bangs. Tinaas ko ang kamay ko at tinapat sa mukha ko baka kasi tamaan ako ng laway niya. Baka ma-rabies pa ako.

Tumayo ako kaya tumayo din agad si Mika. "Mayabang ako kasi may ipagmamayabang ako, kayo ba?" Tanong ko at tumingin pa sa wrist watch ko. Nagsi-taasan ang mga kilay nila sa sinabi ko kaya agad ko silang nginitian.

Winter [Kiseki] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon