5

21 6 0
                                    

Kiseki's pov.

[WINTER]

Continuation:

"Akin ka na lang
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
Akin ka na lang
Akin ka na lang
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw" pikit mata kong kinakanta ang Akin ka na lang ni Morissette ng biglang makarinig ng napakalakas na tawa. Sobrang lakas dahil kulob dito sa KTV.



"You really sang well, Kie!" Wika ni Cyler pero halata sa boses niya ang pagiging sarkastiko. Inirapan ko siya at hindi nag-paepekto.


I'm not good at singing... kahit din sa mga naging life ko ganito parin kapangit ang boses ko, as in! Sa bathroom lang ako mapapakanta at sa ganitong lugar kung saan hindi ka maririnig ng iba kundi ang taong nasa loob lang ng maliit na room na 'to.


"At sa panaginip lamang
Nahahagka't nayayakap ka
At ako pa ba'y iibigin pa
Ang dinadasal makikiusap na lang" pagtutuloy ko at ganun din ang pagtuloy ni Cyler sa pagtawa niya dahil sa boses ko.


"Grabe, the best ka talaga!" Wika nito, rinig ko namang lumabas rin yun sa speaker. Ganun talaga kalakas boses niya kaya umabot dito sa hawak kong mic. Hindi ko siya pinansin.


"Akin ka na lang
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
Akin ka na lang
Akin ka na lang
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw" pagtuloy ko ulit at napahawak na talaga si Cyler sa tiyan niya. Kaya agad kong hininto at pinindot ang end button, tinignan ko siya ng masama kaya napatigil siya ng agad-agaran.

Itinaas niya ng bahagya ang kanyang dalawang kamay na parang nagsu-surrender siya. Ngumiti ako ng malapad.



"Tara nalang sa labas, sayaw tayo dun!" Wika ko sabay tingin sa labas na wala ng sumasayaw sa isang pag-sayawan. Syempre, dun kasi ako magaling. Hindi ako marunog kumanta pero sure naman akong may-ibubuga ako pagdating sa sayawan.


Tinaasan niya ako ng kilay. "Really? Sumasayaw ka? Ang nasa isipan ko sumasayaw ka lang nuong bata tayo... pero ngayong malaki na tayo naging KJ ka..." Wika nito ng may halong pag-dududa.



"Kung iniisip mong sasayangin ko yung pera mo, eh di ako yung mag-babayad at kapag ang kinalabasan hindi, ililibre mo ako ng pagkain at ako ang mamimili kung saan." Sabi ko sakanya sabay halukipkip. "Atsaka wala na nga akong maalala dati, pwedeng huwag mo nang banggit banggitin yun? Pangit ata ang role ko nuon sa lahat eh!" Dugtong ko pa kaya napataas ulit ang kanyang kilay.


————

"Let's see..." sabi niya sabay pasok ng coin doon at agad tumunog. Kasama ko siyang sasayaw.

Habang sumasayaw, ginalingan ko talaga! Well, hindi naman talaga ako mahihirapan kasi dati talagang halos lagi akong suki sa ganitong place at laging naka-linya sa sayawan.

Nilingon ko si Cyler, pero hindi parin ako tumitigil sa pagkembot at pagsunod sa step na makikita sa harap.

Wow! Magaling din pala siyang sumayaw?


Winter [Kiseki] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon