6

24 20 0
                                    

Kiseki's pov.


[WINTER]

Right step. Left step. Right step. Left step. Natigil ako sa tapat ng classroom namin.

"So class... lets continue our discussion." Yan ang katagang naririnig ko mula sa labas, malamang... nasa-loob na si prof.

"As I told this chart is the ra—" natigilan siya ng buksan ko ang pinto. At automatic na napalingon lahat ng kaklase ko saakin.


"Good morning, Sir." As i bow down a bit.

"Good morning... You can go now to your place." Aniya sabay ngiti saakin. Tumango ako kasabay ng paglakad ko papunta sa designated seat ko.


Oo nga pala, hindi ko pala nasabi sainyo ang kinukuhang kurso ni Kiseki. Well, kumukuha nga pala siya ng kursong Business Ad. 


"As I said, this chart... represents the rising and falling of a stock or the capital of a business." Sabi ni Prof sabay turo sa naka-slide show na pinag-aaralan namin ngayon.


Napalingon kami pare-pareho ng may pumasok sa classroom. Wow, as in wow! Mas-maaga pa ako sakanya!


Pagkapasok niya, he didn't even bothered to say hi or say good morning to our Prof in front.


Agad siyang tumabi saakin at agad yumuko para matulog. Tsk! Mukhang puyat na puyat naman 'to... ano kayang ginawa niya? Malamang may-kausap pag-gabi! Oo, tama yun!


Takte walang pumapasok sa utak ko. Yuyuko nalang ako buong oras!


*kringggg* napangiti ako ng marinig ang bell, na nagpapahiwatig na oras na ng break. Siniko ko ng mahina ang katabi kong tulog na tulog parin para siya ang kasama kong pupunta sa cafeteria.



"Uyy, kain tayo." Sabi ko sakanya habang sinisilip siya, pero kahit anong parte ng mukha niya wala akong masilip. "Uyy, sige na..." dugtong ko pa pero hindi parin siya nagigising— o baka naman, gising siya at nag-tutulog tulugan siya.



Magsasalita ulit sana ako ng mapag-tantong may nakatayo sa gilid ko. Nilingon ko 'to at medyo nakaramdam ng kaba. Kung sasapakin naman siguro ako ni Aiden, magigising at ipagliligtas naman ako ni Cyler, diba?


Ngumiti ako ng may-ilang. "B-bakit?" Tanong ko sakanya hindi ko siya tinitignan sa mata. Hindi ko kaya baka bigla nalang ako maihi dito sa upuan ko, jukk!


"Wala ka kasi kahapon, Kie... baka kailangan mo." Saad niya sabay lahad ng isang notebook. Hindi ko kinuha... baka kung anong kapalit niyan eh. "Naglalaman 'to ng lahat ng pinag-aralan namin sa iba't-ibang subjects." Dugtong pa niya kaya tinignan ko ang kanyang mata para tignan kung seryoso ba siya. Yes kaklase ko rin lang siya, same course.


Hayst... buti na nga din break time ngayon wala masyadong mapanuring mga mata ang naka-paligid saakin— saamin ngayon, dahil kung hindi, issue nanaman!

"Hindi mo naman kailangan eh, kaya ko naman mang-hiram ng notes ng iba." Panlilinaw ko, hindi parin tayo sure mga pards kung ano ang kapalit ng notes na 'yan dahil alam ko, hindi ganun kabuti si Aiden.


Flash back: [Winter]

Nang maka-uwi ako galing sa pag-labas ko gamit ang bakod, mahuli  at mapasama ako kay  Cyler sa bayan para sa popsicle... sumalubong saakin si Yaya Manda. Nacu-curious talaga ako sa sinabi saakin ni Cyler tungkol sa boyfriend nitong si Kiseki Chavez or should I say, boyfriend ko na nag-ngangalang Aiden.


Winter [Kiseki] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon