Chapter Three

7 0 0
                                    

Assassin's POV:

Kalahating taon na ang nagdaan
at akin ng napagdesisyonan
na yayain ko siya ng kasal
at manunumpa kami sa Maykapal

Ang naging kasintahan ko ngayon
na naging 'ex' ko noon
ayoko siyang mahiwalay
gusto ko kasama siya habangbuhay

"Sister!" sabay punta ko doon
siya'y nakaupo ngayon sa balkon
tumungo siya noong ako'y na sa harap na
"Magpapatulong ako, kung p'wede sana"

"Hmm" ang tanging sagot niya
na hindi man lang ako tinignan sa mata
ilang sandali "Mahal mo ba siya?"
ang kanyang winika

"Opo, mahal na mahal ko siyahigit pa po sa subra!"
pinagmamalaki't walang alilangan kong tugon sa kanya
isang ngiti ang kanyang binitawan
kasabay ang mga salitang hindi ko maintindihan

"Kung siya'y mahalaga at sa kanya ika'y masaya
huwag na huwag kang mabahala
sapagkat ngayon pa lang
'Malaya ka na't wala ng hahadlang"

Sumunod na lingo sa kanya ako'y pumaroon
may kalaro siyang mga bata sa tapat ng balkon
"Kakain na 'yan, kakain na 'yan!"
pag- iencourage nila sa natalong kasamahan

"Sister, ayaw ko po" pagpapalaban nito
"Hindi ako kakain, ang pait-pait po nito"
"Paulo, ang ampalaya nga'y mapait
subalit nagpapaiwas ito sa iyo ng sakit"

Di naglaon ang bata ay nakumbense
at umalis na sa harap ng madre
"S-sister" bulalas ng dila ko agad
ng ako nalang ang maiwan sa harap

"Kumusta ang plano sa kasal?"
"A-ano, kasalukuyan pa pong pinaghahandaan"
"Hindi ako makakadalo kapag 'yan magtatagal
oo nga pala, ano ang dahilan ng iyong pagdaan?"

"Sister umiiwas ang aking mahal
hindi ko alam kung bakit, kung ano ang dahilan"
sumunod ang ilang sandaling katahimikan
habang ang mga mukha'y may guhit ng kalungkutan

"Bago ito nangyari, ano ang iyong ginawa?"
"Hindi po ako nagpachansing sa iba
sa katunayan sa iyo lang ako pumupunta"
straight to the point kung sabi sa kanya

Inulit niya ulit ang binitawang ngiti
"Kung gayon, lumayo ka sa'kin at huwag dito manatili
upang siya sayo'y hindi iiwas at sa iyo'y mamalagi"
sabay tapik sa'king braso at iniwan akong di mapakali

Yung ngiti na kanyang binitawan
hindi lang isang beses kong natignan
hindi lang unang beses kong napansin
sapagkat ngayon lang naulit na naman din

Mga ngiting sa damdamin ay nagpapagaan
sabay ang mga matang nalulungkot at nahihirapan
at habang iniisip ko kung ano ang dahilan
sarili ko ngayon sa galit ay gusto kong sabunutan


-adnarAAciamaj(@Jarzin's)

Mission AccomplishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon