Chapter One

22 0 0
                                    

Assassin's POV:

Ako'y isang assassin
na laging palpak
sa mission at habilin
ng tandang guro sa akin

Bago siya nawala
at nalagutan ng hininga
isang kautusan
ang kanyang binitawan

Mayroon akong hahanapin
at dapat ko itong tuparin
'Tunay na Pag-ibig at totoo'
ang mission na hindi ko ibibigo

Ako'y bumaba sa bundok
at dumayo sa lungsod
Isang buwan ang lumipas
hindi ko parin nahahanap

Isang babae na kasing edad ko
tinanong sa bagay na ito
bahagya siyang napatawa
at tinignan ako ng seryoso

"Tunay na Pag-ibig at totoo?
matagal na 'yang nawala sa mundo
Mga kabataang umusbong ngayon
'biro at laro ang tingin sa relasyon'

"Good luck sa paghahanap niyan
I hope na 'di ka pagsamantalahan"
dagdag niya bago lumisan
at iniwan akong naguguluhan

Ilang linggo ang nagdaan
nagkaroon ako ng kasintahan
kaya hindi totoo na nawala na
ang bagay na iyon sa lupa

Habang namamasyal kami sa parke
nakita ko yong bitter na babae,
nagulat siya nang siya'y aking nilapitan
na nakahawak kamay sa aking kasintahan

" Ang nasa harap mo ngayon
ang siyang nagpapatunay
ang 'pag-ibig at relasyon'
ay totoo at nabubuhay"

Bago ko siya nilampasan
"Maraming ahas sa daan
handang manuklaw sa mga taong walang alam"
ang narinig ko bago siya iniwan

Wika niya'y hindi ko maintindihan
hanggang makita ko sa daan
'ang aking kasintahan
ay may ibang kahalikan'

Ako'y nabigo sa aking mission
ako'y luhaan sa isang relasyon
sa pagmamahalan
ako'y isang talunan

Bahagyang tumigil ang aking mundo
ako'y assassin na laging bigo
'mapabakbakan maging pagmamahalan
sa huli laging ako ang sugatan'

Palaboy-laboy ako sa kalye
parang asong askal sa tabi
aking pakikipagsapalaran
ay walang patutunguhan

Sa madilim na eskeneta
binugbog ako ng 'di ko kilala
balak ko ng magpakamatay
ng biglang may pumigil at nag-ingay

"Paparating na ang piitan!"
mga nambugbog nagsialisan
"Long time no see,
And now you see!"

Sabi nong familiar na mukha
tama siya, wala na
'Pag-ibig na tunay
matagal ng patay'

"Anong gagawin ko,
susuko o hindi?"
"Ang buhay na iyan ay iyo
ikaw ang mamili"

"Naranasan mo na bang masawi?"
"Hindi, hindi 'yan mangyayari"
"Pap'ano mo nasasabi?"
"Paglaki ko ako'y magiging madre"

Humalakhak siya at tumatawa
pero, ako nahihiwagaan sa kanya
Paano niya nalaman ang totoo
na hindi nabiyak ang puso

Strangers kaming dalawa
na laging magkasama
nalaman ko din sa huli
siya'y bunga ng isang pagkakamali

"Hoy! assassing nag -upgrade
to the lowest level is in it
huwag kang sunod ng sunod
huwag kang buntot ng buntot!"

Mission AccomplishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon