Assassin's POV:
Hinahunting na ako ng nakaraan
babaeng dahilan na ito'y kalimutan
siya rin ang dahilan upang matagpuan
ang matagal na iniwan kong labanan
Lumusob na ako sa malakas na ulan
kahit makulimlim at walang makita sa daan
alam na alam ko kung saan siya matatagpuan
sa may burol ang tagpuan sa'ming labanan
Sa umpisa urong-sulong yaring mga paa
kahit ako'y sabik na sabik na mahal ko'y makuha
takot parin ako sa lalaking pumatay kay tanda
si Noel na walang alam kundi magpaluha
Ng makarating na sa tagpuan naming dalawa
mala-dyablong ngiti ang sa'kin ibinungad niya
mula noon wala na siyang maalala
kundi ang pagnanais na mawala ako sa lupa
"Sa wakas nandito ka narin"
napatayo na siya ng ako'y dumating
"Itigil na natin ito Noel"
napatawa siya sa aking hinaing
"Nagpapatawa ka talaga
'di pa tayo nagsisimula nababahag ka na"
"Kung maari lang Noel
itigil mo na ang paniningil"
"Ano ako, duwag na katulad mo!"
tinapatan niya agad ako ng kutselyo
sa awa ng Diyos natapatan ko rin ito
at ngayon magaganap na ang nahinto
Madilim parin ang kapaligiran
umiiyak parin ang kalangitan
pero, hindi ito naging hadlang
sa nagaganap naming labanan
Tulad noon wala paring pagbabago
palpak parin ang katulad ko
nadulas ang paa sa naapakang bato
kaya nagkasugat na naman ang kaliwa kong braso
Paano ba ito humantong sa ganito?
binalikan ko ang masayang kabataan ko
isang masayang alaala na lumaon ay nagdulot ng puot sa kanya
mga pangyayari na siyang nagtulak upang siyay maging masama
"Leon! Malalagyan narin kita ng wakas"
sabay ulit handa "wala ka ng takas"
sinangga ko ang espada niyang uhaw
BINABASA MO ANG
Mission Accomplish
PoesíaAko'y isang assassin na laging palpak sa mission at habilin ng tandang guro sa akin Bago siya nawala at nalagutan ng hininga isang kautusan ang kanyang binitawan Mayroon akong hahanapin at dapat ko itong tuparin tunay na Pag-ibig at totoo ang Mi...