Chapter Seven

11 0 0
                                    

Eugeleon's POV:

Nandito ako ngayon sa bahay nila lolo

at kasalukuyang naglalahad ng kuwento

Simula sa binigyan niya ako ng clue

na walang pasabi na clue na ito

Hanggang sa parte namin ni Chealsy

ang paghingi namin sa isa't isa ng sorry

Galing sa iyakan at pagtili sa mga pighati

tumila rin at unti-unting nasisilayan ang ngiti

Ngayon, inaalam ko naman kung anong kilos niya

simula noong naaksedente ako at hindi siya maalala

sa mga kuwento ni lolo tungkol sa kanya

nalaman kong mahal namin ang isa't-isa

"So, ano ang gagawin mo ngayon

as you can see, si UA wala rito Eugeleon?"

"Bumaba ako rito kaakibat ang isang mission

oras na po para e- Accomplish iyon"

Pagkatapos mabanggit ni lolo ang lugar

kung saan naka-asign ang aking mahal

isa lang sa utak ang umandar

Ang ituloy ang naudlot ng matagal

Kahit nag-aagaw ang araw at buwan

Kahit masama pa ang kalangitan

Hinding -hindi ko ito hahayaan

na pangalawang beses akong mapipigilan

Ako'y nakikisiksikan sa'king sinasakyan

ito'y kunting pagtitiis lang naman

kapag mahal ko'y makita ng harapan

maghihilom rin ang sakit sa puso't katawan

Sa sobrang excited ng katulad ko

di ko napansin ang malaking pagbabago

Wala na ako sa bus nakatayo

kundi sa gitna ng lilim na puno

Kinitatis ko ang buong kapaligiran

kahit ang pangyayari ay hindi ko maintindihan

ilang sandal, nakaramdam ako ng familiar

may magaganap na digmaan sa lugar

Ang aking hinala ay pasok sa banga

nang humalik ang isang matulis na sandata

sa'king pisngi sa bandang kaliwa

kasunod ang paglitaw ng isang binata

Ako'y kanyang sinugod na walang pagdadalawa

hindi ako prepared kayat nasubsob sa lupa

nagkasugat-sugat ako sa pag-iwas sa litanya

mga litanya n'ya na gamit ay katana

"Labanan mo ako, Assassin ka di ba!"

bobo rin nito ang gusto niya'y nangyayari na

kasalukuyan na akong nakikipaglaban sa kanya

kahit na wala akong laban sa aming dalawa

Unti-unti nang namamanhid ang aking katawan

sa nakikita ko, hindi ko man lang siya nagagalusan

Paano ba nangyari ang ganitong kaganapan?

Ang akin lang naman, mahal ko'y mapuntahan

"Magpaalam ka na!" sabay saksak niya

ng may humarang at nagsilbing panangga

sunod noon ay nagtuos silang dalawa

'di man kita pero alam kong siya si 'tanda'

Magulo, nagkakalito-lito

sunod na nadatnan ko

akay-akay ko na ang aking guro

ito'y duguan na at naghihingalo

"Hindi ka nababagay sa ganitong mundo Leo,

ang mga kamay mo'y di dapat mabahiran ng dugo

Inuutusan kitang umalis na sa dahas at gulo

'hanapin mo ang Pag-ibig na tunay at totoo'"

Malakas ang pagkakauntog ko sa dingding ng sasakyan

dahilan upang magising ako sa nakaraan

Nakaraan na sa panaginip ko'y dumalaw

ng makababa doon napagtanto ang pambubulahaw

Lugar na matagal ko ng nilisan

Lugar kung saan ako ay nawalan

ay lugar kung saan matatagpuan

ang dinadarasal sa Maylalang

"Hoy bata mukha lang yang payapa

pero huwag ka, may nangyayari d'yang masama

Plano mo'y huwag ng balakin pa

mawawalan ka riyan ng hininga"

"Tama ka, labas palang naaamoy ko na

mga kulay pulang dumanak sa lupa

pero, ilang araw siyang nand'yan sa loob

kahit takot kailangan kong pumasok"

Umuulan na ng aking matagpuan

ang isang maliit na bayan

ang bayan na kung saan

noon ako'y payapang naninirahan

Walang kataotao ng ito'y aking madatnan

dahil narin siguro sa bugso ng ulan

kayat pinagmamasdan ko nalang ang dating tirahan

na ngayo'y isang araw na ang palatandaan

Ng nasa pinakadulo na ako ng lugar

ng maaninag ang babaeng familiar

marahan ko siyang sinundan

at natigilan sa kausap niyang nilalang

Mula sa makintab na sapatos at damit

sa mala-warrior niyang tindig

at ng ihawi ang bangs niyang may ipit

nakita ko ang binatang sumira sa aking daigdig

-adnarAAciamaj(@Jarzin's)

04-15-19

Mission AccomplishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon