Chapter Five

6 0 0
                                    

Eugeleon's POV:

Umuwi ako sa bahay na hindi mapalagay
kukuti ay kung saan-saan tumatambay
sa kailaliman ng aking sarili
walang kapanatagang namamalagi

Nakakaramdam ako ng hindi tama
parang may mali akong ginawa
ngunit 'sino ang aking sinaktan?
bakit ganito ang pakiramdam'

Sumasakit ang utak ko
namimilipit sa gulo
parang mabibiyak ang gking ulo
sa kakaisip kung ano?

"Assassin" ang bigla kong narinig
ng tumagal ay nagpaulit-ulit
'Assassin' kanino yaring tinig?
Sino ba itong aking naririnig?

"Eugeleon!" bumukas ang pinto
ang sakit ay biglang huminto
kaharap ko ngayon ang aking mahal
umiiyak siya't humihingal

"Sorry" ang katagang sabay naming binitawan
"Sorry para saan, ako ba'y iyo ng iiwan?"
hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan
mahal ko ba'y sa akin na'y lilisan at magpapaalam?

"Eugeleon, mahal kita"
ako'y maluwag na nakahinga
"Mahal na mahal kita"
niyakap ko siya't inalis ang luha

"Mahal din kita"
nakangiti ko 'yung sabi sa kanya
luha sa kanyang mata ay lumala
at siya'y biglang bumitaw at dumestans'ya

"Alalahanin mo Eugeleon
kung ano't sino ka noon
saka mo sabihin 'yang kataga
na ako ang mahal mo talaga"

Ilang araw na ang lumipas
kahit anong hanap ko ng bakas
malabo parin ang wakas
ang mga sagot, hindi parin lumalabas

Mission AccomplishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon