UA's POV:
Mga ilang lingo na akong nandirito
sa lugar na kung saan naka assign ang tulad ko
sa lugar na napakalayo sa nakagisnang mundo
sa lugar kung saan hindi Malaya ang kahit sino
Binibigay ko na ang tulong na maiibigay ko
kahit na sa umpisa gusto ko ng lumayo
pero pinarealize ng mga taga-rito
na dapat buksan ko ang selyo ng pinto
Kahit takot. nakasanayan ko na
nasanay na akong makakita ng tubig pula
ang gumamot ng nanghihingalo kong kapwa
kahit na sa umpisa ay tutol na tutol siya
Nasanay na akong magkasugat at magkapasa
dahil balewala rito kung babae ka pa
mapamatanda ka pa man d'yan o bata pa
as long as humihinga ka kailangan mong sumunod sa alpha
Nasanay na akong kumimkim
'yung lungkot, galit, ibat-ibang sakit
mataimtim kong pinapanalangin
na tulad ng ulan, ito'y matatapos din
Ngayon nabalitaan kong may sugatan
kaya kahit malakas ang ulan
sumulong ako sa kanyang tahanan
nagmamadali sa takot na wala ng maabutan
Pagtindig ko mismo sa pinto
nakaabang na siya sa tulad ko
"Paano ba 'yan sister, huli ka ng dating"
sabay hawi ng bangs na may nakakahalong tingin
Nakuyom ko nalang ang mga palad
at pinipigilan na luha'y bumagsak
BINABASA MO ANG
Mission Accomplish
PoetryAko'y isang assassin na laging palpak sa mission at habilin ng tandang guro sa akin Bago siya nawala at nalagutan ng hininga isang kautusan ang kanyang binitawan Mayroon akong hahanapin at dapat ko itong tuparin tunay na Pag-ibig at totoo ang Mi...