Chapter Twelve

4 0 0
                                    

Eugeleon's POV:

Nasabi ko rin sa wakas

ang 'mahal kita' ay naibigkas

kahit puno ng sugat ang katawan

ng masabi 'yun ay magaan sa pakiramdam

Ramdam ko ang paghigpit niya ng hawak

basted parin ba ako't sa huli ay palpak?

sa huling araw ko ba sa earth ay 'di parin kami?

maluha-luha ako habang iniisip na 'di pwede

"Alam mo ang da-mi kong i-tina-go sayo"

basag niya sa iniisip kong negatibo

"Ang pagi-ging bit-ter ko't walang paki sa mun-do

isang alliby upang pag-hanga ko'y humin-to"

"Alam mo u-nang kita pa lang na-kuha mo na ako

nagka-interst ako sa ta-nong mo na ani-ko'y biro

at noong pi-nakita mong ser-yo-so ka sa pagha-hanap ni-to

doon nag-simula ang pag-hanga ko sa-iyo"

"Alam mo ba ba-go ka pa nagkagus-to nauna na-ko sayo

pero pini-pigilan ko i-yon at itinago

Sorry sa ilang beses na pag-papa-taboy

naging du-wag kasi ako noon at ta-kot ituloy"

Umayos siya kahit nahihirapan na

hinarap niya ako't nilagay ang duguang kaliwang palad sa'king mukha

hawak ko sa sugatang kaliwa ang kanyang katawan

at hawak ko ang kanang kamay niya sa duguan ko ring kanan

Mahinahon ang mga patak, dahan-dahang nagkasinag

"Eugeleon, masaya ako sa-i-yo na i-pagtapat

na habang kasama ka-guma-ganda ang lahat

naka-kayanan ko-lahat ng hirap"

"Dahil sa-yo nahanap ko-rin ang hi-naha-nap ko

nabubuhay parin sa-ating mundo

ang pag-i-big na tunay at to-too"

Habang unti-unting nalalagutan ng hininga

"Eugeleon, mahal din kita"

ang ikli ng oras sa aming dalawa

pero nagpapasalamat parin ako't ito'y binigay Niya


-adnarAAciamaj (@Jarzin's)
09-23-19

Mission AccomplishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon