“Hoy! SEFRINO AGUSTIN!”
Sabay hagis ng lunch box na binigay ng kanyang alalay sa akin.
“What! what are you doing floral nerd? You’re wasting my master piece!”
Hinawakan n’ya yung kwelyo ng favorite kong floral na damit at tingin na para n’ya kong lalamunin ng buo.
“Hoy! Baliw! Sa tingin mo sinong kakain ng sunog na kanin at itlog na sobrang alat na may mga shells pa? Bitawan mo nga ako!”
Hinawi ko yung kamay n’ya sa napaka-gandang damit ko.
“Ano? Ayan ba ang mata-tanggap ko sa effort na binigay ko para sayo?” Sabay turo sa naka-kalat na ‘master piece’ nyang gawa. “Sinayang mo yung pagkain! Alam mo ba yun?”
“Huh? Pagkain ba yan ng tao? O pagkain ng baboy?” Iritang irita kong sinabi.
Umupo sya sa sofa, na sya lang ang pwedeng umupo. “Well, hindi ka ba na surprise sa ginawa ko?” Sabay nangalumbaba at nagdekwatro.
Napakagat ako sa tuyot kong labi. “Surprise?! Nainis! Pwede pa”
Napakamot sya sa batok nya. “Ok mag ice cream nalang tayo mamayang uwian”
“Ano?! Di ako sasabay sayo!” Sabay lakad papaalis ng student council room.
“Ice cream ice cream ka pa dyan! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain” Bulong ko sa sarili ko.
“CLOSE THE DOOR!” Sigaw ni halimaw.
Bigla akong hinawakan ng mga alalay nyang student council din, sabay sarado ng pintuan.
Tinignan ko sya ng masama. “Problema mo?! May klase pa ko!”
Tumayo sya at lumapit sa akin.
“Sabi ko diba mag contact lens ka nalang? kaysa dyan sa makapal mong salamin” tinitigan nya ko at tingin sa labi ko.
“Paabot nga ng tissue” Sabi nya sa alalay nya este kay Mark pala.
Nagmadali syang kunin yung tissue at inabot kay halimaw, bat kaya sya pumapayag na alilain ng bugnuting president na to.
Hinawakan nya yung mukha ko. “Hoy! Bat ang hilig mong kagatin yang labi mo? Lagi mo pang pinapadugo” Sabay punas sa labi ko ng tissue. “Sabay tayo mamaya ok?” mahinahon nyang sinabi.
Binitawan na ko ng mga alalay nya este yung mga officers din ng student council, si Sef naman umupo na sa tapat ng table nya.
“Hihintayin kita sa labas ng campus, wag mong tangkain na tumakas dahil di ka naman makakatakas” Sinabi nya yan habang may sinusulat sya sa table nya.
BINABASA MO ANG
SCRAPBOOK (Michie & Sef) (Short story- Completed)
Teen FictionA/N: Halu? Ito yung dalawang buwan kong pinagisipan kung i-aupload ko ba sya o hindi? Haha nagawa ko tong story na ito dahil sa isa kong kaibigan na pinakita sa akin yung Scrapbook nya na parehas nilang ginawa ng Bf nya, biglang nagkaroon ng firewor...