Chapter 9

54 4 0
                                    

HOST: CONTESTANT NO. 7 MS. CHINA

C7: iphone6, Dual Sim, 20k Made in CHINA!

HOST: CONTESTANT NO. 8 MS. SAN MARINO

C8: ang ulam ko ay hindi 555 hindi Century kundi, SAN MARINO

HOST: CONTESTANT NO. 9 MS. JAPAN

C9: nagmula sa bansang sagot sa kahirapan. JAPAN!

HOST: CONTESTANT NO. 10 MS. NORWAY

C10: aba hindi ako papayag dyan sa gusto mo… NORWAY!

HOST: CONTESTANT NO. 11 MS. KUWAIT

C11: teka teka, wag kayong umalis hintayin nyo ko! KUWAIT!

HOST: CONTESTANT NO. 12 MS. GRENADA

C12: hindi dinamita, hindi bomba, GRENADA!

HOST: CONTESTANT NO. 13 MS. ITALY

C13: hulihin, bantayan, wag pakawalan, ITALY!

HOST: CONTESTANT NO. 14 MS. PHILIPPINES

C14: sa bansang mahal ang bigas gayundin ang gas maraming mandurugas marami ring patatas… PHILIPPINES!

Ang daming nagpapalakpakan at tumatawa, siguro maganda din ang kinalabasan ng United Nation, kahit puro kalokohan ko lang to haha.

Nagkaroon din ng Talent portion at Q&A.

Buong araw yung UN at buong araw ko ding di nakausap si Sef, kanina pa nga sya padaan daan pero di nya ko kinakausap, ilang beses ko din syang tinangkang kausapin pero di nya ko pinapansin, may nangyari kaya?

Sabi din sa akin ng isang Organizer si Ivan na ang magbibigay ng Award at ako yung mag aanounce kung sino yung mananalo.

Speaking of Ivan? Baka kaya ako iniiwasan ni Sef kasi nalaman nya na kasama ko si Ivan kahapon? Hays sana naman hindi tsk.

“Michie? Halika na, standby ka na, malapit ka nang tawagin” Sabi ng isang Organizer.

“Ok ok” Sagot ko.

Biglang may kumalabit sa akin.

“Sef? Bakit?”

“Ano to?” may pinakita syang picture namin ni Ivan na magkasana sa salon, pinupunasan ni Ivan yung lips ko, at yung nakakbay sya sa akin.

“Panong?...”

Di nya na ko pinagpatuloy. “Dapat sinabi mo sa akin to! Hindi ung nagiging tanga ako” Sabay tapon ng Bouquet ng Flowers, tinapakan pa nya sa pag walk out nya yung mga flowers.

SCRAPBOOK (Michie & Sef) (Short story- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon