Chapter 6

36 4 0
                                    

“Bakit couple shirt? Haha” Tanong ko sa kanya.

“Tahimik! Di ko to gusto, balik natin?” Sabay tingin sa akin.

“Wag na! ok na yan, alam ko namang gusto mo talaga na ganito tayo ee” Sabay tapik sa balikat nya.

“Wag mo kong hawakan” Sabay tapik sa kamay ko.

“Ang arte mo haha”

Tinignan nya ko ng masama. “Baba?” tanong nya.

“Oy! Grabe ka naman, hindi na kita aasarin ok? tara na hatid mo na ko sa sakayan”

“Bat sa sakayan pa? san ba bahay nyo?” Tanong nya sa akin.

“Wag na sa bahay sa sakayan nalang, delikado sa lugar namin, ang ganda pa naman ng kotse mo”

“Wag ka nang makulit! Tatawagan ko si Mark at papahanap kung san ka nakatira” Banta nya sa akin.

“Grabe to! maliit lang bahay namin ah! Tsaka magulo, tsaka may kapa…”Napatigil ako.

“Ayos lang”

Napatingin ako sa kanya at tumingin din sya sa akin.

“Ok, ikaw bahala” Sabi ko.

Ok na to na malaman nya na mahirap ako at may….

**

Nakarating narin kami sa bahay.

Paglabas ko ng sa kotse nya. “Tara may eskinita pa tayong dadaanan bago makapunta sa bahay namin”

“Ok” Sagot nya.

Sef’s POV

Dito sya nakatira?

Bago kami makalakad papunta sa bahay nila.

“Uy! Michie! Salamat pala sa tulong mo sa amin, nabayaran ko na, binigay ko kay Nanay mo, salamat ulit ah” Sabi ng lalakeng hinawakan sya sa kamay.

“Wala yun mang Estor, tutal ginamit mo yun sa pambili ng gamot ng anak nyo, pabantay naman po ng kotse hehe” Sabay smile sa Manong.

“Ok, sige walang makakahawak dyan kahit langaw” Sabi ng Manong.

“Ok sige po mauna na kami”

Mahirap na nga tumutulong pa?

Naglakad na kami papasok ng eskinita.

“Hoy! Ang aga aga pa nagiinuman na kayo, siguraduhin nyong linisin nyo yang kalat nyo pag tapos nyo dyan, para di magalit sa inyo si Manang”

SCRAPBOOK (Michie & Sef) (Short story- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon