“Ouch!” Napahawak ako sa noo. “Ang sakit ng pitik mo ah!” Sigaw ko.
“Ano?!” Sabi ni Boss.
“Ay! Sorry boss sorry hehe” Sabay haplos ulit sa noo kong masakit.
“Sabi kong wag kang matutulog ee”
Nagsmile nalang ako sa kanya, kakaiba yung panaginip kong yun ah? Pansin ko, pag hindi ko kasama si Sef napapanaginipan ko sya? Bakit kaya?
Sef’s POV
Monday na naman at may pasok na naman, busy ngayon yung mga officers ng student council kasi malapit na yung foundation week namin, may balak kaming gawin na contest.
Yung UN (United Nation) na kakaiba, puro lalake yung sasali at magbibihis babae, yung mga escort nilang mga babae magbibihis lalake, para maganda.
Ang nag suggest pala nyan si Michie, habang pinag uusapan namin yung mga contest na gagawin namin sa UN dumating sya at nakinig at dahil may ugali yung pakealamera, nag suggest sya na ganun nga yung gawin sa UN, sya daw yung mag oorganize at hahawak sa mga sasali at may ituturo daw sya.
At sakto yung araw ng foundation para sa 2nd Monthsary namin, balak kong bigyan sya ng roses para kiligin naman kahit papano habang nabubuhay sya sa mundo haha.
Itong nakalipas na ilang araw nga lang naaalala ko pa din yung ginawa ng makulit na babaeng yun.
FLASHBACK
Medyo nalate ako ngayon ng gising, kaya nauna sa akin sila Mark at ibang officers SCR.
Nang pumasok na ko, nakita ko lang naman si Michie na nakaupo sa upuan ko na sya lang ang may lakas ng loob na umupo, pano alam ng mga officers at iba pa na ayokong may umuupo sa upuan ko bukod kay Mark.
Nilapitan ko sya kasi nakatalikod sya, pati yung upuan ko inikot nya.
Nang paglapit ko, natutulog pala tong babaeng to, ang aga pumasok tapos matutulog lang?
Tinitigan ko sya, wala kasi syang suot na salamin, nilapag nya sa table ko.
Mahaba pala yung pilikmata ng makulit na babaeng to, teka may naisip ako, nagdahan dahan akong pumunta sa drawer ko na may mga marker, hehe makakaganti na rin ako sa pagbato mo ng balloons na may harina at glue sa akin.
Nang lalapitan ko na sya at onting onti nalang malalagyan ko na sya ng magiging master piece ko sanang abstract art, bigla syang dumilat at napaurong ako kasi magkalapit na pala yung mga mukha namin.
“Anong ginagawa mo?” Tanong nya habang nagtatanggal ng kung anuman sa mata nya.
“Ahm, wala naman hehe” Sabay smile sa kanya at napataas yung isa nyang kilay. “Bakit? Kumusta panaginip?” Dagdag ko pa habang naka smile pa rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
SCRAPBOOK (Michie & Sef) (Short story- Completed)
Dla nastolatkówA/N: Halu? Ito yung dalawang buwan kong pinagisipan kung i-aupload ko ba sya o hindi? Haha nagawa ko tong story na ito dahil sa isa kong kaibigan na pinakita sa akin yung Scrapbook nya na parehas nilang ginawa ng Bf nya, biglang nagkaroon ng firewor...