“Hoy! Kung ano binabalak mo, hindi ka magtatagumpay!” Sigaw ko sa kanya.
Pero naglakad pa din sya papunta sa akin.
“Hoy! Tigilan mo ko! Uuwi nalang ako! Nanay!!!!”
“Ano ba yang pinagsasabi mo? May nakita kasi akong dumi sa buhok mo” Sabay kuha ng tangkay ata? Sa ulo ko. “See?” Sabi nya sa akin. “Wag kang magambisyon na may gagawin ako sayong masama, di ikaw yung type ko”
“Malamang di naman ako computer o laptop para magtype ka haha”
Nakapatingin sya sa akin at mukhang nacorny-han sa joke ko. “Imbis na kung ano ano sinasabi mo dyan, magshower ka nalang para makatulog na tayo, ok?”
“Shower? Sabi ko na nga ba ee may balak kang masama sa akin ee!” Sigaw ko.
“Ang ingay mo talaga, ako na muna pala maliligo, saglit lang ako” Sabay tulak sa akin. “tabi! Laging nakaharang tsk” Sabi pa nya.
“Halimaw!” Bulong ko sa sarili ko.
“Narinig ko yun!” Sigaw nya sa loob ng banyo.
Haynaku! Ayaw pa ding magpatalo sa babae, bakla talaga to.
Halos sampung minuto lang syang nasa loob ng banyo at lumabas na sya agad.
Naka pajama na sya, akala ko pa naman makikita ko syang nakatapis ng twalya na madalas mangayri sa palabas at yung abs nyang korteng korte kaso sa palabas lang talaga yun nangyayari, hays. Disappointed lang?
“Hoy! Nababaliw ka na noh? Bat iniikot mo yang buhok mo?”
Di ko sya pinansin at diretso na sa banyo.
Nilagay ko na yung suot ko sa washing machine para madamay sa paglalaba nya haha, teka sya ba naglalaba dito? Wow ah!
Kuskus, banlaw, shampoo, kuskus banlaw, conditioner, kuskus, banlaw, banlaw, banlaw, sarap maligo kapag shower yung gamit mo diba? Di mo na kailangng umupo para magsalok ng tubig sa pamamagitan ng tabo.
Pagtapos ko ng maligo. “Teka asan yung twalya? Ay lintik na tinik! Walang twalya dito! Naiwanan ko pa yung damit na binigay nya sa akin sa sala, pano to?”
Anong gagawin ko? Magpapatuyo nalang muna ako dito sa loob.
After 5 minutes.
Kainis! Giniginaw na ko ah, ang bobita ko kasi ee, bat ko naiwan yung damit sa labas ee.
Sisilipin ko nga kung nasa sala sya, pag wala chansa ko ng kunin yung damit.
Binuksan ko yung pintuan, biglang.
“Hoy ang tagal mo” Sabay higit sa akin.
BINABASA MO ANG
SCRAPBOOK (Michie & Sef) (Short story- Completed)
Ficção AdolescenteA/N: Halu? Ito yung dalawang buwan kong pinagisipan kung i-aupload ko ba sya o hindi? Haha nagawa ko tong story na ito dahil sa isa kong kaibigan na pinakita sa akin yung Scrapbook nya na parehas nilang ginawa ng Bf nya, biglang nagkaroon ng firewor...