Chapter 10

36 4 0
                                    

“Ok po” Sagot nya.

Aba! Talagang Bf ko na talaga sya, di nya na ko inaaway ng bongga, onti nalang haha.

**

Pag-akyat namin, sinalubong agad kami ni Alana, siguro nakita nya kami sa bintana.

“Ate!” Sigaw nya sa akin sabay yakap, pagtapos nyang yumakap kay Sef naman sya yumakap.

Nakakagulat yung ginawa ni Alana, kasi ako lang niyayakap pati si Nanay.

Pumasok na kami sa loob.

“Si Nanay tulog” Sabi ni Alana.

“Talaga? Sige hayaan mo munang matulog si Nanay ha?” Sabay tumango si Alana.

Umupo si Sef sa sofa namin at biglang tumabi si Alana sa kanya.

“Aba! Nagseselos na talaga ako Alana, kanina niyakap mo na sya tapos ngayon, sya na yung tinatabihan mo” Sabi ko sa kanya na naka puppy face.

“Grabe ka Michie ngayon lang to, habang nandito ako” Sabi ni Sef.

Nag smile lang si Alana sa akin.

**

Naging mag-close na nga sila ni Alana at pati si Nanay, lagi na kasing pumupunta si Sef sa bahay simula ng naging official nang naging Bf ko sya, lagi syang may pasalubong, sabi ko nga sa kanya wag nyang gawin yun baka masanay si Alana na lagi syang may pasalubong ee, kaso ang kulit talaga ng lalake tong.

Sa school naman, ang daming kumausap sa akin para mag sorry, kasi nalaman naman nila yung totoo na di ko talaga naging Bf si Ivan, di na rin sila madalas mambully ng mga bagong scholar na pumapasok, ewan siguro narealised nila yung mga pagkakamaling ginagawa nila.

Madami nang nangyari pagtapos ng UN namin.

Lagi nga kaming nagdedate ni Sef, yung una sa….

FLASHBACK

“Michie!” Sigaw sa akin ni Sef.

“Oh? Bakit?” Sigaw ko naman sa kanya, actually di ko sya masyadong maintindihan kasi nakasakay kami sa Octopus, nasa amusement park kasi kami.

“IIIWW LARFVVE YOUWWE!” Sigaw ni Sef.

“ANO?!” Sigaw ko sa kanya.

“ANG SABI KO I LOVE YOU!”

Napatulala ako, epic kasi tong lalakeng to, first time nya yang sinabi sa akin at dun pa sa octopus na kasalukuyan kaming nakasakay.

After sa octopus nag bumpcar kami, sumakay sa horror tren, kumain ng cotton candy at sumakay din sa barkong nagsusway sway.

SCRAPBOOK (Michie & Sef) (Short story- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon