End

39 4 0
                                    

Umiling sya. “Tinigil na yung operasyon kasi hindi na daw kaya ng katawan ko, himalang nagising ako, siguro para magpa-alam” Napatigil sya at pumikit.

“Sef! Sef! Wag mo kong iwan!”

Bigla syang dumilat at sinabing “I love you Michie”

Ayan ang huling salita na nabanggit nya.

Parang bumagsak ang langit at lupa sa akin, tila ako baliw sa ginagawa ko, sigaw ako ng sigaw, yung luha ko walang segundong di tumulo para akong namatay na rin sa nangyari.

Hinawakan ako sa likod ng mga magulang ni Sef. “Masaya sya anak, Masaya syang umalis sa mundo, sigurado ako doon” Sabi ng daddy nyang may luha sa mga mata.

Niyakap ako ng tinuturing na pangalawang mommy ni Sef, niyakap nya ko ng mahigpit, naramdaman ko kung gaano sila naghihinagpis tulad ko at kung gaano nila kamahal si Sef.

Nilapitan ko si Sef at hinalikan. “Ayan, ikaw na yung First kiss ko Sef” Bulong ko sa natutulog nyang katawan na di na magigising.

**

Last na lamay na para kay Sef, lumapit sa akin si Mark at may binigay. “Ano to?”

“Tignan mo nalang” Sabi ni Mark.

Nang Makita ko yung laman ng binigay ni Mark, biglang tumulo ang luha ko.

**

“Mahal na Mahal ka namin anak, pero may gusto din akong hingan ng message, sa pinakamamahal ng anak kong si Sef na si Michie, halika dito, magbigay ka ng mensahe para kay Sef, alam kong nandito sya at nakikinig sayo” Sabi ng Daddy ni Sef bago matapos magbigay ng huling pamama-alam.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ako ng Daddy nya.

Hinawakan ko yung mikropono at nagsimulang magsalita.

“Nang una kaming magkakilala ni Sef, sinabuyan ko sya ng lobo na may lamang harina at glue, napagkamalan ko po kasi syang nambully sa akin, sinabihan ko pa sya ng masasakit na salita tulad ng halimaw, akala ko noon di ko sya magiging close, ang totoo nung unang sinabi nyang Gf nya ako ay para di na ko bully-hin ng mga students sa school na pinapasukan namin at nagkaroon pa po kami ng kontrata”

“Sinulat ko sa kontrata na bawal ang holding hands, hug, and kiss, naalala ko pa din yung itsura nya ng panahon na iyon, parang nakakita ng panget which is ako at pagtapos noon nagkalapit na kami, di namin namalayan na mahal na pala namin yung isat-isa, nang nalaman kong may sakit sya, doon na lumabo ang relasyon namin, iniwasan nya ko kasi akala nya magiging pabigat sya sa akin, umabot ang ilang buwan noon, nang nagtext sa akin si Mark na ooperahan na sya, nagmadali akong pumunta kung nasaan sya, ngunit di ko sya kayang lapitan”

“Pero may binigay na isang pagkakataon ang panginoon para makapg-usap kami, yun yung pumunta sya sa simbahan para mangumpisal na aksidenteng pumasok ako sa kwarto kung saan sya nangungumpisal, narinig ko lahat, nalaman ko kung ano yung nararamdamn nya, napaiyak ako noon at gusto ko syang yakapin, pero ok na rin kasi nahawakan ko yung kamay nya, at sinabi nyang mahal na mahal nya ako, wala na kong hihilingan pa, una nagtataka ako kung bakit madaming tao ang umahanga at iniidolo sya, pano ako lang yata yung taong galit sa kanya, pero sa paglipas ng panahon, onti onti kong nalaman kung gaano sya kabait, mapagmahal, maunawain, at higit sa lahat kung paano nya ko minahal ng lubos kahit na mismong sarili nya ang nahihirapan inuuna nya pa rin iba bago sya, Sef! Mahal na mahal kita Salamat sa iniwan mo para sa akin, yung alaala nating dalawa” Sabay itinaas ko yung scrapbook na ginawa ni Sef.

SCRAPBOOK (Michie & Sef) (Short story- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon