Chapter 5

33 4 0
                                    

“Wala lang, ang sarap kasing mambully ng mga dukhang tulad mo ee” Sabi naman nung isa at nagtawanan na silang apat.

Di na ko nakapagsalita kasi nagwalk out na sila at binangga pa nila ako.

“Kainis! Basa na tuloy damit ko”

Paano ako makakapasok sa klase ng ganito? Naalala ko tuloy yung unang araw ko dito sa school na to.

Naglakad lakad muna ako at naghanap ng lugar para maupuan.

Umupo nalang ako sa isang bench at parang basang sisiw na nanginginig.

May biglang dumating at nag-lagay ng jacket sa likod. “Sef?”

Paglingon ko si Ivan pala.

“Bat basang basa ka? Anong nangyari sayo?” Tanong nya sa akin sabay upo sa tabi ko.

“May nagbuhos kasi ng tubig sa akin ee, siguro akala nya halaman ako” Sabay pout.

“Tsk grabe naman yun, pero totoong halaman ka” Napalingon ako sa kanya. “Kasi isa kang magandang bulaklak na nagtatago” Sabay tingin sa akin.

“Bat nagtatago?”

“Kasi onti lang ang nakakakita ng gandang meron ka” Sabay smile at nakita ko na naman yung dimple nyang napakalalim.

“Grabe” Sabay hampas sa kanya. “Ang sweet mo dyan”

“Teka may narinig kang gumalaw doon sa halamanan?” Tanong sa akin ni Ivan.

“Saan?” Tanong ko.

“Meow meow meow”

“Pusa?” Tanong ni Ivan.

“Malamang? Di naman nag aw aw ee” Sabay hampas ulit sa kanya.

“Ang hard mo talaga sa akin” Sabay hawak sa balikat nyang hinampas ko.

“Ay sorry! Masakit ba?”

“Medyo?” sabay tawa. “Hindi joke lang”

Sef’s POV

Habang naglalakad ako papunta sa SCR nahagip ng mata ko si Michie na nakaupo sa isang bench, teka di ba sya nagpunas ng twalya before pumunta dito sa school? At parang basa sya? After ilang araw di pala sya pumunta sa SCR, di nya ko dinadalhan ng lunch ah!

Naglakad ako papalapit sa kanya at kakausapin ko.

Nang malapit na ko sa kanya bigla akong napatago kasi dumating si Ivan.

SCRAPBOOK (Michie & Sef) (Short story- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon