1

6 0 0
                                    

Ako ay isang teen-age, typical girl na nainlove sa isang lalaking hindi ko inaasahang lolokohin lang pala ako.

Puwede ko namang ikuwento ang nangyari kung luluwagan niyo ang pagkakaposas sakin dahil hindi narin naman ako makakalabas sa mainit na lugar na ito

Ayan salamat. Sisimulan ko na ang kuwento ko

Noong 4th year high school ako. Si Miguel ay isa sa pinaka-hinahabol ng mga babae sa amin. Hindi lang guwapo, matalino at sportsman pa siya kaya naglalaglagan ang mga panty kapag dumaraan siya.

At ayun nga, kasama yung sakin siyempre.

Nagulat nalang ako nang isang araw, niligawan niya ako sa harap ng bahay namin! Yay! Siyempre, akong si malandi, ay umoo kaagad. Sino ba naman ang aayaw sa pinapangarap ng lahat, hindi ba?

Isang araw ng palaro para sa Provincial Basketball League - School Divisions, nakita ko kung paano siya maglaro. Focused. Magaling. MVP. Sa madaling salita, siya ang pinakamagaling sa court na yun.

Habang kumikislap ang pawis sa blonde niyang buhok, habang naaaninagan ko ang sarili ko sa Blue na mga mata niya, iniimagine ang maiinit ngunit matatamis niyang mga halik ay naiisip ko na kung anong magiging future namin.

Pagkatapos ng game ay pinalibutan kaagad siya ng mga babae. Pero ano bang magagawa ko? Ganun naman talaga ang sikat, kaya ayos lang sakin.

Kinabukasan, habang naglalakad ako sa may park ay nakita ko siyang may kasamang babae. Holding hands habang naglalakad. HHHN hindi HHWW. Sinundan ko sila.

Nakita kong pumasok sila sa isang bahay, na alam ko namang bahay nung girl. Medyo nahirapan akong makapasok, dahil malayu-layo sa kabihasnan at walang masyadong kapit-bahayan ang babae.

Dali-dali akong bumalik sa bahay namin at kinuha ang jungle bolo ng tatay ko. Inilagay ko ito sa bag. Walang makakaagaw sa mahal ko. Walang makasisira sa pangarap ko. Walang sinuman. Walang sinumang mabubuhay sa magtatangka!

Nakita kong lumabas na si Miguel. Inihatid siya ng babae papunta sa gate, dahil malayu-layo ang gate sa bahay nila. Pagkaalis na pagkaalis ni Miguel ay umakyat ako sa bakod nila, at inilabas ang jungle bolo ng tatay ko. Ambigat pala infairness.

Nang makita ako ng babae ay lumapit pa ito sa akin. Tinanong niya ako kung ako raw yung sinasabi ng tatay niya na humihingi ng sanga ng kakawate. Sinabi ko nalang na oo.

Sinamahan niya ako hanggang sa pulo nila, na hitik sa punong-kahoy. Pagkarinig ko ng huni ng ibon ay tinaga ko agad siya. Dahil naglalakad kami, balikat lang ang tinamaan sa kanya. Napasubsob siya.

Napatingin sa akin. Nagmamakaawa. Pero hindi ako naaawa sa mga ahas na nanuklaw na. Tinaga ko ulit siya, pero gumulong siya para makaiwas, kaya ang kanang hita niya ang naputol.

Umaagos ang malapot at pulang dugo mula sa kanya hanggang sa paanan ko. Gumapang siya gamit ang kanang kamay, dahil ang kaliwa na nataga ko kanina ay parang matatanggal na at parang kaunting laman nalang ang nagkokonekta.

Lumapit ako sa kanya, hinawakan siya sa buhok, at ginilitan ng leeg. Sumabog ang dugo niya habang tumatawa-tawa ako. Hindi ko gusto ang mga umaahas sa nobyo ko, at alam kong marami pa sila.

Pagkatapos noon ay naglublob ako sa ilog na malapit para maalis ang dugong kumapit sa akin. Hinugasan ko pa ang Jungle Bolo. Siguradong marami pa akong paggagamitan nito.

Trail of a MadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon