7

3 0 0
                                    

Ang isa sa pinakanatatandaan kong hobby niya kapag natutulog ay - hindi niya isinasara ang sliding window niya. Nasa first floor siya ng bahay nila kahit tatlong palapag ito. Mas malamig at mas nakakatulog daw siya ng mahimbing rito.

Dali-dali akong pumasok sa bintana. Tinititigan ko siya habang nakatalukbong ng kumot. Wow. Hinagod-hagod ko pa ang mahaba kong buhok at naupo sa gilig ng kama. Nang may mahawakan akong isang kamay.

Iniangat ko ang kumot. Kahit medyo madilim, dahil liwanag lang ng buwan ang tanging tanglaw sa gabi ay nakikita ko ang isang babaeng nakayapos sa kanya!

Pu**** *na! Akin lang si Miguel!

Mabilis akong umuwi ng bahay at kinuha nanaman ang Jungle Bolo. Hinubad ko ang tuwalya at pagkatapos ay ginawa kong kapa.

Bumalik ako at pagkabalik ko'y hindi na nakayakap ang babae sa kanya. Una ay tinaga ko siya sa kamay na kaagad ikinaputol nito.

Nagising ito at tumili nang sobrang tinis na pati si Miguel ay nalaglag na sa kama. Wow! Ang mahal ko! Nilaglag at inistorbo niya sa pagtulog!

Hindi ako papayag mahal! Pagtulog na nga lang ang iyong pahinga ay ginambala pa niya!

Tinaga ko siya sa mukha. Ang panga niya ang tinamaan. Lumawlaw ito at hindi na niya maisara. Pero patuloy parin sa pagtili kaya naman isinaksak ko na ang Jungle Bolo ko sa tiyan niya.

Napaangat ang katawan niya nang itarak ko ang Bolo. Nararamdaman ko ang mainit na likidong bumabalot sa buo kong kamay.

Bago pa man buhayin ni Miguel ang ilaw ay mabilis na akong tumalon sa bintana at nagtatatakbo. Masakit dahil may nakita siyang ginawa ko, pero alam ko namang hindi niya nakita ang aking mukha.

Pero masaya dahil nawala nanaman ang isang ahas - at nakapatay nanaman ako gamit ang mga kamay ko.

Pagkarating sa bahay ay kaagad akong tumapat sa shower. Natutuwa ako habang nakikita kong humihiwalay ang dugo mula sa aking katawan, sumasama sa tubig hanggang maanod sa drain.

Sana ay wala nang gumambala sa pagmamahalan namin ni Miguel. Nang masolo ko naman siya.

Trail of a MadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon