5

4 0 0
                                    

Tuwang-tuwa siya. Nang humarap siya sa akin ay napalitan ng takot ang tuwa, dahil isang shotgun ang nakatutok sa ulo niya. Nagtanong siya kung ano raw ang trip ko at bumili pa ako ng laruang panlalaki.

Pinutukan ko ang kanang paa niya. Medyo napatalsik pa ako ng kaunti sa lakas ng sipa nung shotgun na yaon. Napapikit ako. Pero siguradong tinamaan ko siya.

Iminulat ko ang aking mga mata. Sumabog ang laman at dugo sa dingding sa likod niya, at siya ay napaupo. Nakatitig lang sa akin. Walang ekspresiyon. Siguradong namanhid ang paa niya.

Ngumiti ako at sinabing laruan nga lang ang shotgun ko. Napaiyak siya. Sinabi niyang wala raw siyang ginawa at magpapaliwanag daw siya. Pero sinabi kong boyfriend ko si Miguel, at nakita kong nag French Kissing pa sila pagkatapos ng pag-a-I Love You-han nilang dalawa.

Sinabi niyang kaya niyang mag-explain. Pero lalo akong nag-init.

Dahil wala nang maipapalusot ang bruhang ito sa aking mga nakita.

Pinutukan ko ang kaliwang braso niya. Sumabog rin ito, na ang natira nalang ay ang butong simputi ng bagong biling pintura, at mga malasinulid na litid at laman na nakasabit.

Napahiga na siya. Siguradong nahihilo at nawawalan na siya ng balanse. Nakikita ko na kaunting dugo lang ang dumadaloy sa sahig, kaya kinuha ko ang soldering iron sa mesa, at isinaksak ko sa braso niya.

Ayan. Parang Chocolate Coating lang na mabagal na kumakalat sa sahig ang mapula at makislap na dugong tinatamaan ng liwanag.

Lumiliit na ang mga mata niya. Mawawalan na ng malay. Pero nakatingin parin sa akin. Aba naman. Akala siguro niya maaawa ako sa kanya?

Pinutukan ko siya sa katawan gamit ang shotgun. Lamabas ang mga lamanloob niya, pwera lang sa lungs na nakakabit at nakadikit pa dahil sa ribcage.

Kinuha ko ang grinder at ginilitan siya ng ulo. Nangisay siya. Aba, buhay pa siya pagkatapos kong putukan siya ng shotgun sa katawan?

Kung lalaki siguro ako, lalo akong mag-eenjoy sa mga babaeng ito. Magaganda. May mga hubog ang katawan. Makikinis. Mga bata.

Pagkatapos noon ay ibinalik ko nalang ang shotgun sa pinaglalagyan ni Papa. Hinubad ko ang lahat ng damit, puwera lang sa underwear ko at inilagay sa loob ng workhouse at isinara ito.

Purong kahoy naman ang workhouse, at maraming kagamitan dito ay flammable, kaya sinimulan ko nang sunugin ang workhouse. Limang minuto lang ay parang sampung bonfire na sabay sabay na ang makikita mo.

Pumunta si Miguel. Lumapit sa akin. Nakita raw niya ang usok kaya siya nagpunta, at nag-alala siya sa akin. Dinaanan niya ng tingin ang katawan ko, mula ulo hanggang paa. Lumapit ako sa kanya, at hinalikan ko siya.

French kissing. Mmm. Hanggang sa itulak na niya ako. Sinabi niyang tatawag pa siya ng bumbero.

Nagiinit na ako eh. Yun na eh. Bigla lang aking binuhusan ng malamig na tubig?

Pumasok na ako sa loob at nagbihis. Pagkalabas ko ay wala parin sila.

Nang makarating ang bumbero ay tupok na ang lahat. Usok nalang ang makikita mo.

At pati si Tanya, wala na.

Bye bye Tanya, ang naisip ko at napangiti ng malaki.

Trail of a MadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon