4

4 0 0
                                    

Ano ba ang dapat kong piliin? Ito bang pantadtad ng karne, para mapira-piraso ko siya? Ito bang kitchen knife, para madaling hiwain ang mga laman niya? O itong breadknife, para mapahirapan ko siya ng dahan-dahan?

Kukunin ko na bale ang breadknife nang maalala ko. Siya nga pala si Mama. At compliment lang ang sinabi niya kanina. Hayss.

Papalabas na ako ng kitchen nang narinig kong sumigaw si Mama. Kinilabutan ako. Hindi ko ba nalinis nang mabuti ang workhouse? Nakita ba niya ang katawan ni Cherry? Mabilis kong pinuntahan si Mama.

Nakita ko ang mga tanim na bulaklak ni Mama. Halatang natapakan. Lumuwag ang pakiramdam ko. Tinanong niya ako kung naapakan ko. Sinabi ko nalang na oo, kahit pa muntikan pa akong madulas na si Cherry ang nakaapak nun.

Galit na galit si Mama, at umalis na ng bahay. Mag-isa ako sa bahay, kaya may naisip akong puntahan. Sino pa ba, edi ang pinakamamahal kong si Miguel!

Yown! Dahil kapag inangkin ko siya at inangkin niya rin ako ay wala nang makakaagaw sa kaniya! Tama!

Mabilis akong nagsuot ng Sando at Shorts. Mukha nga akong bayaran noon kasi kitang-kita amg cleavage at halos pati singit ko sa isinuot kong yaon.

Humahangos ako na nagpunta kina Miguel. Kakatok na ako nang makarinig ako ng babaeng nagsasalita. Mahal kita, ang sabi ng babae. Mahal din kita naman ang sinagot ni Miguel. Sumilip ako sa bakod. Nakita kong ... nakita kong naghahalikan sila ...

Para akong tinamaan ng labinsampung kidlat. Natigilan lang ako, habang nakikita kong naghahalikan yung babae at si Miguel, French Kiss pa. Bumalik ako sa bahay. Dinala ko ang shotgun ni Tatay na gamit niya noong security guard palang siya, inilagay sa bag at bumalik doon.

Sakto naman na lumabas na ang babae, at pumasok na si Miguel sa bahay nila. Bago pa man makasakay ng tricycle ay napuntahan at napigilan ko na siya. Ugh, si Tanya pala, ang First Honor ng klase namin.

Niyaya ko siyang magkape sa bahay dahil hindi pa naman hapunan, at pumayag naman siya. Sumama siya sa akin dun sa bahay namin.

Pagkaupo ay sinabi niyang pangarap na pangarap niyang talaga si Miguel. Na gustung-gusto niya, at nakahalikan pa niya. Nagngitngit ako. Napagkiskis ko ang aking mga ngipin.

Ang shotgun ni Tatay ay nasa likod ko lang. Handang-handa na siya sa aksyon.

Niyaya ko ulit si Tanya. Sinabi ko na gusto kong maipakita ang ginagawa ko sa workhouse na upuan, na sa totoo ay kami ni Cherry ang gumagawa. As usual, pumayag ang malanding nagmamata-matalinuhan.

Pumunta ako sa workhouse na sinusundan niya. Pagkapasok ay isinara ko ang pinto, at binuksan ang ilaw.

Kahit mag-ingay ka rito ay hindi lalabas ang tunog. Kahit nga mga machinery sa carpentry ni Tatay, hindi umiingay kapag dito siya sa loob gumagawa.

Napangiti ako. Napakibut-kibot pa ang mga daliri ko sa kamay.

Pinuri niya na maganda ang upuan. Habang ikinakasa ko naman ang shotgun ni Papa habang nasa likuran niya ako ...

Trail of a MadgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon